Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SEARCH FOR THE TEN OUTSTANDING STUDENTS OF THE PHILIPPINES- CALABARZON, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

“Life will pose challenges and at times, it will be difficult. But remember, the lessons of failure are as important as the satisfaction of...

“Life will pose challenges and at times, it will be difficult. But remember, the lessons of failure are as important as the satisfaction of triumph.”

Ito ang namutawi sa isipan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang bayan at munisipalidad sa rehiyong Calabarzon, sa ginanap kamakailan na Search for the Ten Outstanding Students of the Philippines- Calabarzon Awarding Ceremonies.

Labing limang tanyag na mga kabataan na naging bayani sa kani-kanilang paraan mula sa iba’t ibang bayan at munisipalidad sa rehiyong Calabarzon.

Magmula sa labing lima ay pumili ng limang natatanging mga kabataan na binigyang pagkilala.

Kabilang dito si Patricia Adora Alcala mula sa lalawigan ng Quezon at nagtapos ng kolehiyo sa Manuel S. Enverga University Foundation, isang kilalang unibersidad sa lungsod ng Lucena.

Kasama rin ni Alcala ang ilan sa mga kabataan mula sa iba’t ibang bayan sa rehiyong Calabarzon na sina Frances Ann Marie Gumapac ng De La Salle Lipa, Glenn Christopher Lambino ng Lyceum of the Philippines University-Laguna, John Emmanuel Magtibay ng First Asia Institute of Technology and Humanities at Georjhia Czarinah Malaluan ng Lyceum of the Philippines University-Batangas.

Ang mga nabanggit na limang regional awardees ay ang siyang nominado ng Region IV-A Calabarzon para sa National Ten Outstanding Students of the Phiippines Search.

Ito na ang ika-limampu’t pitong pagkakataon na isinagawa ang naturang pagpaparangal, at ngayong taon nga ay ang lungsod ng Lucena ang nagsilbing host ng aktibidad.

Ang chairwoman naman ng programa ng Department of Public Works and Highways na Build, Build, Build Program at mula sa TOSP Batch 2012 na si Anna Mae Yu Lamentillo ang naging panauhing tagapagsalita sa programa.

Sa naging pananalita ni Lamentillo, hinikayat nito ang mga naturang kabataan mula sa Batch 2018 ng TOSP o ang Batch SIKLAB na huwag aniyang matakot na mabigo o magkamali dahilan sa ang mga bagay na ito ay sadyang dumarating sa buhay ng isang tao ngunit ang mga aral ng kabiguan na matutunan mula dito ay ang siyang magiging instrumento para sa katagumpayan.

Sa pamamagitan ng paghimok nito, tumugon ang mga TOSP finalist sa hamon upang maging matapang at handa sa mga pagsubok na darating sa kanila na siya namang kanilang malalagpasan at mapapagtagumpayan.

“Ang pagmamahal sa bayan ang paraan upang bumawi, Tunay na tatak ng mga CALABARZONOS na katangi-tangi. Tayo na't buhayin ang mga adhikain, tayo na't ang pag-ibig sa Diyos ay pag-alabin, tayo na't mahalin ang kapwa at bayan natin, sabay-sabay tayong sumiklab, buhayin ang makabayang layunin! Padayon! Lagi't lagi, para sa bayan!”

Sa huli, natapos ang aktibidad ng matagumpay at makikita sa mga mata ng bawat isa ang kasiyahan at kagustuhan na maging isang mabuting ehemplong mamamayan na tutugon at tutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng bayan. (PIO Lucena/ M.A. Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.