Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

TAUNANG FLUVIAL PROCESSION, ISINAGAWA SA BARANGAY BARRA

Bilang pagpapakita ng malaking paniniwala ng mga deboto kay Inang Maria, isinagawa kamakailan ang ika- dalawampu’t anim na taon ng fluvial ...

Bilang pagpapakita ng malaking paniniwala ng mga deboto kay Inang Maria, isinagawa kamakailan ang ika- dalawampu’t anim na taon ng fluvial procession sa barangay Barra.

Ang naturang prusisyon ay may temang "Sambayanan na may sama-samang pagdadasal at pag mamahalan, ang pag papala ay laging makakamtan".

Maraming residente ng barangay ang nakilahok at nakiisa sa pangunguna na din ng punong barangay nito na si Kapitan Amy Sobreviñas.

Naniniwala ang mga ito na nagiging kaagapay nila at ginagabayan sila ng Panginoon at ni Inang Maria sa pag-abot ng kanilang mga tagumpay sa buhay gayundin sa kaligtasan ng kanilang pamilya mula sa mga kalamidad at sakuna.

Isinakay sa pagoda ang imahe ni Inang Maria, Jose at Hesukristo na sumasagisag sa banal na pamilya.

Ilang mga malilit na Bangka rin na dinesenyuhan ng mga makukulay na banderitas, ang pumalaot at sumabay sa pag-uuli sa mga imahe sa baybaying dagat ng barangay Barra.

Matapos ang pagparada ay binasbasan ang mga bangkang nakilahok at nakiisa sa sama-samang pagdarasal at pagdiriwang ng kaarawan ni Mama Mary.

Gayundin ay nagsagawa ng isang pagmimisa na dinaluhan ng mga mamamayan.

Nakilahok din sa aktibidad ang mga coast guards at mga miyembro ng Munting Sambayanang Kristiyano mula sa Barangay Ransohan, Cotta, Pajo at Balentin.

Layunin rin ng isinagawang prusisyon ang magbigay pasasalamat at pagpupugay sa Panginoon na nagbibigay biyaya sa mga mamamayan. (PIO-Lucena/M.A Minor)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.