Pinangunahan ng tanggapan ng Traffic Enforcement Section sa pamumuno ng hepe nito na si Jaime De Mesa ang idinaos kamakailan na regular na ...
Pinangunahan ng tanggapan ng Traffic Enforcement Section sa pamumuno ng hepe nito na si Jaime De Mesa ang idinaos kamakailan na regular na flag raising ceremony.
Bahagi ng nasabing programa ay ang paglalahad ng mga naging accomplishments ng tanggapan para sa pamayanan.
Kaugnay nito, buong pagmamalaking iprinesenta ni De Mesa ang lahat ng aktibidades at operasyong isinagawa ng kanilng ahensya mula setyempre ng nakaraang taon hanggang Agosto, taong kasalukuyan.
Ayon sa hepe patuloy ang masugid na pagsasaayos nila ng trapiko gayudin ang pagtiyak sa maayos na daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng mga kalsada sa lungsod.
Dagdag pa nito, ipinapatupad at ipinapaintindi din ng kanilang ahensya sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga motorista ang importansya ng pagsunod sa batas-trapiko.
Tinatayang mahigit sa walong libo naman aniya ang nahuli sa paglabag sa iba’t ibang uri ng batas trapiko at ordinansa ng lungsod.
Ang mga nasabing violators’ ay nagbayad aniya ng kaukulang multa sa City Treasurer’s office na may kabuuang halaga ng mahigit sa isang milyong piso.
Ayon pa kay De Mesa, ang traffic Enforcement Section katuwang ang ilang ahensya kabilang ang TFRO, Lucena PNP, City Public Market at iba pa ay nagsasagawa ng Clearing operations laban sa mga illegal vendors para sa Task Force bangketa.
Gayundin ang pag-aalis ng mga obstruction sa kalye tulad ng mga sasakyan na iligal na nakaparada sa daanan at mga lugar na hindi dapat pagparadahan.
Hindi rin nito pinatotohanan ang sinasabi sa kanila na mayroon silang pinipiling mga sasakyan na iligal na nakaparada na dapat lagyan ng tirelocks.
Ayon kay De Mesa, walang sinumang nakakaligtas sa ipinapatupad na batas-trapiko sa lungsod dahilan sa kahit anu pa ang katayuan o posisyon basta’t mayroon kang sasakyan na nakapark sa hindi tamang lugar ay otomatikong ita-tirelock ito.
Sa huli ay inaasahan ang patuloy na pagsasagawa ng mga programa at operasyon ng Traffic Enforcement Section sa pagpapanatili ng maayos at mapayapang lungsod ng Lucena. (PIO Lucena/ M.A. Minor)
No comments