Editorial Si Senator Trillanes naman ay nananatili namang nagkukulong sa kaniyang opisina sa Senado mag-iisang linggo na simula nang ...
Editorial
Si Senator Trillanes naman ay nananatili namang nagkukulong sa kaniyang opisina sa Senado mag-iisang linggo na simula nang sumugod ang ilang tauhan ng Philippine National Police-CIDG at militar sa labas ng Senado na tila naghihintay lamang ng go-signal upang arestuhin ang senador.
Sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na hintayin na lamang ang warrant of arrest ng korte, hindi pa rin aalis sa gusali ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang mambabatas.
Umaasa si Senator Trillanes na kakatigan ng Korte Suprema ang kaniyang petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng proklamasyon ni Pangulong Duterte na pagbawi sa kaniyang amnestiya.
Sakaling katigan aniya ng Supreme Court ang administrasyon, malaki umano ang magiging epekto nito sa legal system ng bansa.
Pinabulaanan rin ng senador na may pinaplano siya kasama ang ilang grupo na umano’y pagpapaalis sa pwesto sa Pangulo, taliwas sa naging pahayag umano ng Pangulo.
Humingi ng paumanhin ang senador sa Senate leadership dahil sa naging abala sa operasyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso dahil sa usapin ng pag-aresto sa kaniya.
Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na kanilang papairalin ang military justice system para arestuhin si Senator Antonio Trillanes IV, na ngayon ay balik na sa active military service matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya nito. Sa panayam kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, kahit aniya walang warrant of arrest mula sa Regional Trial Court ay mahuhuli nila si Trillanes.
Ayon pa kay Andolong, mayroon na ring mga opisyal mula sa military police ang nakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Senado para ibigay na sa kanilang kustodiya si Trillanes. Ang provost martial ng AFP ang maglalabas ng warrant of arrest at ang military police ang magsisilbi nito at susundo kay Trillanes sa Senado.
Tiniyak naman ng DND na walang special treatment na ibibigay kay Trillanes sa sandaling nasa kustodiya na ito ng AFP.

No comments