Walang nakikitang dahilan ang city commission on elections o city comelec para palawigin pa ang paghahain ng certificates of candidacy (coc...
Ayon kay barbacena, noong unang araw ng filing ng coc noong nakaraang huwebes, tila nilangaw ang kanilang tanggapan dahil wala ni isang kandidato ang nagparehistro ng sertipiko ng kandidatura.
Habang noong nakaraang biyernes naman, hapon na nang magfile ng coc ang isang kandidato para sa pagka-city councilor.
Bagama’t dumaan na umano ang dalawang araw na weekend break para makapag-isip nang mabuti at makapaghanda ng mga requirements ang mga nagnanais na lumaban , isang kandidato lang rin para sa pagka-city councilor ang naghain ng coc noong lunes.
Samantala, umaasa ang election officer na sisipa ang bilang ng mga kandidato na maghahain ng kanilang coc sa huling araw ng filing ngayong araw ng miyerkules.
Kaugnay nito, ipinagbigay alam ni barbacena na itatala na nila ang pangalan ng mga kandidatong nakapila at nasa loob na ng kanilang tanggapan 15 minuto bago mag-alas singko ng hapon ngayon araw, ngunit tiyakin umanong kumpleto ang mga forms at requirements na kanilang isusumite sapagkat hindi nila tatatakan ang coc form ng mga ito sakaling hindi ito kumpleto.
Nililimitahan rin ng tanggapan ang pagpapapasok sa loob ng kanilang opesina at pinayuhan ang mga kandidato na hanggang 4 na katao lamang ang maaaring isama sa loob ng city comelec office sa oras ng paghahain ng coc habang maaari naman aniyang maghintay sa labas ng opesina ang iba pang mga tagasuporta.
hanggang sa ika-29 naman ng nobyembre maaaring umatras ang mga kandidato para sa may 13, 2019 polls. Maari raw itong gawin anuman ang kanilang magiging dahilan sa pag-atras. Habang maari naman umanong palitan ng isang political party ang umatras nitong miyembro para lamang hindi mabungi ang slate nito. (pio-lucena/c. Zapanta)