Kauganay pa rin sa prebilihiyong talumpati ni konsehal Nick Pedro kamakailan, na pasiglahin ang pagtatanim ng gulay sa komunidad ay sa nagin...
Nabanggit sa kaniya ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na isang programa na balak ng pamahalaan panlungsod kung na pupuwedeng gawin agricultural ang ilang mga bakateng lote dito sa lungsod.
Ito ang ilang pa sa pinahayag ni Letargo sa panayam ng TV12 kamakailan.
Ayon pa sa hepe ng pang-agrikultura ng lungsod, sa atas na rin sa kanila ng Alkade ay titingnan nila kung ang mga bakanteng lupang pagtatamnan ay may sources ng tubig.
Dagdag nito na kung maganda ang lupa ay kailangan na lagyan ng bakod ang pagtatamnan.
Ganoon din ay kung puwede na lagyan ng poetry o makapag-alaga ng livestock at kasalukuyan na nakikipag-ugnayan sila sa mga may-ari ng lupa..
Sinabi pa ni Melissa Letargo, na ang balak na pagtatanim na ito sa mga bakanteng lote ay isang istratehiya ng lokal pamahalaan para maging food self sufficient ang lungsod.
Na ito naman ang ninanais ni Mayor Dondon Alcala ang mapakinabangan ang mga nakatiwang-wang na lupa na puwedeng pagtaniman ng mga iba’t-ibang gulay na pagdating ng mga araw ay maaani at makakain ng mamamayan lucenahin. (PIO-Lucena/J. Maceda)