Hinihikayat ng tanggapan ng city comelec sa pangunguna ng hepe nito na si atty. Anamei barbacena ang mg kabataang lucenahin na humabol sa vo...
Ayon kay julian rodelas, isa sa mga election assistant ng nasabing tanggapan, ang mga kabataan umano ay bumubuo sa malaking porsiyento ng mga botante kaya’t nararapat lamang na ipadama ng mga ito ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng paghabol sa deadline ng voter’s registration.
Magkakaroon umano ng malaking kaambagan ang boto ng bawat-isa pagdating sa politikal at socioeconomic na aspeto ng bansa kaya’t nararapat lamang na gamitin ng mga lucenahin ang kanilang karapatang bumoto para sa national at local elections na nangyayari lamang kada 3 taon.
Kaugnay nito ay hinihikayat ni rodelas ang mga lucenahing nasa edad 18 taonggulang pataas na maglaan ng oras at magtungo sa city hall annex mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Para sa huling araw naman, maaaring magtungo ang mga ito sa pacific mall lucena para sa kanilang sattelite voters registartion mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Hinimok din ni rodelas ang mga sangguniang kabataan officials na hikayatin ang kapwa nila kabataan na magparehistro bago ang ika -29 ng setyembre nang sa gayon ay makaboto sa ika-13 ng mayo sa susunod na taon.
Pinaalalahanan rin nito ang mga nagnanais na humabol sa parehistrohan na magbaon ng maraming pasensya dahil dumadagsa ang iba pang mga lucenahin na naghahabol rin sa pagpaprehistro.
Para umano sa mga bagong magpaparehisto, kinakailangan lamang magdala ng kanilang id, tulad ng company o student id, driver’s license, senior citizen’s id, pwd id, postal id, sss/gsis id, nbi clearance, o di kaya nama’y pasaporte.
Tumatanggap rin ang city comelec ng mga magpapareactivate ng kanilang voters’ registration at ng mga aplikante ng transfer at correction o change of entries.
Marapat lamang na magdala ng birth certificate ang mga magpapabago o magpapawasto ng kanilang entries lalo’t higit kung ang kanilang record ay may typographical error. Kailangan rin umanong magdala ng mga katibayan gaya ng marriage certificate o di kaya’y declaration of nulivity of marriage o judicial decree of legal separation ang mga nais na magpapalit o magpatama ang kanilang katayuan o status. (pio lucena/c.zapanta)
No comments