Bagamat naantala ang filing ng certificate of candidacy, tiwala ang city comelec na napag-aralan nang mabuti ng comelec en banc ang kalendar...
Sa ekslusibong panayam ng tv 12 kay rodelas kamakailan, sinabi nito na malaki ang magiging epekto ng pag-uurong ng petsa ng filling ng certificate of candidacy ng mga nagbabalak na tumakbo para sa nalalapit na halalan.
Anito, base sa resolution no. 10420 na unang inilabas ng comelec, pagkatapos umano ng voter’s registration noong ika-29 ng setyembre, mula ika-1 hanggang ika-5 ng oktubre ay agad na tatanggap ang kanilang opersina ng mga kandidatong nagnanais na magpatala ng kanilang coc.
Ngunit dahil naaprubahan ang resolusyong inihain ng kamara at senado na pag-uurong ng petsa ng coc filing upang mas magkaroon umano ng sapat na oras ang mga kongresista na makagawa ng kanilang legislative duties at ma meet ang deadline para sa paghahain ng coc, nakatakda na ang 5 araw na pagpapatala ng kandidatura sa october 11, 12, 15 , 16 at 17, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Kinailangan umano nilang mag-adjust sa ginagawa nilang preperasyon dahil sa pagbabago ng schedule ng mga nakaline up na aktibidades para sa halalan. Gaya halimbawa ng election registation board hearing na imbis na isigawa sa ika-15 ng oktubre ay maaring ilipat na sa ika-29 ng buwang kasalukuyan.
Ayon kay rodelas, itinakda rin umano ang coc filing sa unang linggo ng oktubre upang magkaroon ng sapat na panahon para salain ng bawat tanggapan ng Comelec ang mga nuisance candidates, o mga panggulong kandidato, nang sa gayon ay makapag-imprenta na ng mga balota, at mai-deliver ang mga ito sa buong bansa kung kaya’t nangangamba ito na baka maaantala ang pag-iimprenta ng mga balota para sa mid-term elections sa mayo 13, 2019 dahil dito.
Base raw kasi sa orihinal na plano, dapat ay maimprenta at maisara na ang balota bago matapos ang taon ngunit gayon pa man, naniniwala ito na magiging sapat ang panahaon para sa pag-iimprenta ng mga balota. (pio lucena/c.zapanta)

No comments