Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Dental at medical mission isinagawa para sa mga Senior Citizen

by Olan L. Lao Lungsod ng Lucena, Quezon - Isang Dental at Medical Mission sa mga taga Barangay Cotta, Lucena City ang isinagawa para sa...

by Olan L. Lao

Lungsod ng Lucena, Quezon - Isang Dental at Medical Mission sa mga taga Barangay Cotta, Lucena City ang isinagawa para sa mga kababayan nating senior citizen nitong ika-2 Oktubre, 2018, upang ipagdiwang ang Elderly Month. Sa unang araw na pagpasok ng buwan ng Oktubre bago ang nasabing aktibidad ay nagkaroon muna ng alay lakad ang mga senior citizen ng nasabing barangay.

Ginanap ang Dental at Medical Mission sa covered court ng Barangay Cotta sa pangunguna ni Punong Barangay Analou Alcala at ang mga kagawad nito ng nasabing barangay, nagkaroon din ng partisipasyon ang local government ng Lungsod ng Lucena (Mayor Dondon Alcala), Congressman Kulit Alcala, pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga sundalo para sa seguridad, dentista at mga doktor ng Southern Luzon Command (SOLCOM) . Bukod sa dental at usaping medical ay namigay din ng libreng medical check-up, gamot at eyeglasses ang mga nag organisa.

Ayon sa mga nakilahok malaking tulong para sa kanila ang mabigyan pansin ang kanilang kalusugan lalo na sa mga walang kakayanan na magpa check- up at makabili ng gamot at eyeglasses, na mga kababayan nating mahihirap na senior citizen na hindi sapat ang kinkita at walang suporta galing sa pamilya.

Magkakaroon nman ng libreng gamutan para sa mga nakaranas ng stroke na mga senior citizen sa ikatlong araw, at isang programa na tinawag nilang Gandang Lolo at Gandang Lola, sa ika apat na araw ng Oktubre.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.