LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ng tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources sa ilalim ng pamamahala ni Manuel B...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinangunahan ng tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources sa ilalim ng pamamahala ni Manuel Beloso ang isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes.
Sa kanyang pag-uulat, ibinahagi ni Beloso ang ilan sa mga naging aktibidad ng kanilang opisina para sa lalawigan. Pinasalamatan ng ama ng lalawigan na si Gob. David C. Suarez ang kanilang tanggapan sa pagpapatupad ng mahusay na programa tulad ng solid waste management na nagsisilbing mabuting halimbawa sa mga kalapit bayan.
Sa parehong araw ay personal ring ipinagkaloob ni Gob. Suarez ang 47 na laptop at desktop computers para sa Quezon Provincial Police at walong motorsiklo para sa 202nd Infantry Unifier Brigade PA at Southern Luzon Command.
Ayon kay Gob. Suarez, isang pamamaraan ng pamahalaang panlalawigan upang ipahatid ang kanilang pasasalamat sa mga pulis at sundalo ay ang pagbibigay ng mga karagdagang kagamitan para sa kanila.
“Para sa akin, they are an integral part of the society, our way of life. That we need to work together, collectively to make sure na yung katahimikan at kaayusan ng ating probinsya ay nabibigyan natin ng tamang atensyon. Ito ay hindi lamang trabaho ng ating mga kapulisan, ito ay trabaho nating lahat.” ani Suarez.
Nagpasalamat naman sina PS Supt Osmundo De Guzman at Brig Gen Arnulfo Marcelo Burgos Jr sa ama ng lalawigan para sa pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at pagpupursigi na mapanatili ang kapayapaan sa probinsya.
“Taos-pusong pasasalamat sa mabuting kalooban ng ating gobernador para sa ating QPPO. Makakaasa po kayo na tutuparin namin ang aming sinumpaang tungkulin para mapanatili ang peace and order sa ating lalawigan.” saad ni De Guzman.
“More than anything, yung binigkas niyo sa amin is enough recognition sa aming mga sundalo. Nananatili pong tahimik sa kabayanan natin dahil sa PNP at AFP na handang maglingkod para sa inyo. With this, we will be more responsive, diligent in the performance of our duties and responsibilities dito sa lalawigan ng Quezon.” mensahe ni Burgos. (Quezon – PIO)