Bilang bahagi ng ordinansa ng pamahalaang panlungsod na Sanggunian Eskwelahan o Local Ordinance No. 2653 Series of 2017, inilunsad ang progr...
Ilang mga mag-aaral at student leaders na nasa junior and senior high school mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod, mapa pribado man o pampubliko ang nagsilbing mga youth counterpart ng mga miyembro ng konseho na bumubuo ng sanggunian.
Tulad naman ng ginagawa ng mga konsehales, nagbigay rin ng ilang suhestyon at nagpahayag ng pagsuporta ang ilan sa mga kabataan, sa inilahad na mga pribilehiyong pananalita ng mga konsehal.
Hindi naman makukumpleto ang sanggunian kung wala ang youth counterpart ni Vice Mayor Philip Castillo na siyang nagsisilbing presiding officer at gayundin ni SP Secretary Leonard Pensader.
Layunin ng naturang programa na mas iangat pa ang lebel ng partisipasyon ng mga kabataan sa mga Gawain ng lokal na pamahalaan partikular na sa sangguniang panlungsod.
Gayundin ay bilang patunay na bukas ang pamahalaang panlungsod para ipakita ang iba’t ibang serbisyong ginagampanan nito sa lahat ng mamamayan ng lungsod ng bagong Lucena.
At dahil sa ang mga kabataan ay pawang mga student leaders sa kani-kanilang eskwelahan, magagamit nila ang lahat ng kanilang natutunan at naranasan sa pagiging kabahagi ng sangguniang panlungsod. (PIO-Lucena/ M.A.Minor)