Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KONSEHAL BOYET ALEJANDRINO, PORMAL NANG NAGHAIN NG SERTIPIKO NG KANDIDATURA PARA SA PAGKABOKAL NG IKALAWANG DISTRITO

Bitbit ang kanyang coc form at kumpiyansa sa sarili, pormal nang nagparehistro ng sertipiko ng kandidatura si konsehal boyet alejandrino na...

Bitbit ang kanyang coc form at kumpiyansa sa sarili, pormal nang nagparehistro ng sertipiko ng kandidatura si konsehal boyet alejandrino na tatakbo si konsehal bilang bokal ng ikalawang distrito sa may 2019 local and national elections sa ilalim ng partidong liberal.

Upang maipakita sa taong-bayan ang kanyang kagustuhang maglingkod sa mga mamamayan, hindi nagpahuli si kon. Boyet alejandrino sa paghahain ng kanyang coc sa provincial office ng comelec noong ika-11 ng oktubre.

Nagpakita naman ng suporta sa konsehal ang mga kapwa niya lingkod bayan na sina konsehal boy jaca at kapitan narfil abrencillo ng brgy. Gulang-gulang na pawang kasama sa pagsusumite nito ng coc. Sakali rin umanong ang mga kakandidato ay ni-nominate ng isang partido, kinakailangan na naka-attach sa kanilang form ang certificate of nomination and acceptance o conac na may pirma ng nagnominate.

Ayon kay alejandrino, naging panuntunan na niya sa buhay sa tuwing siya ay tatakbo sa kahit na anong posisyon na ipakita sa taong-bayan ang kahandaang ihain ang kanyang sarili nang walang halong-pagaatubili.

Batid rin ni alejandrino na sakaling mahalal siya bilang bokal ng ikalawang distrito, mas magiging malawak ang sakop ng kanyang paglilingkuran ngunit handa umano siyang magbigay ng mas malawak na serbisyo sa kanyang distrito.

Naniniwala rin ang konsehal na marami siyang maiaambag sa higit pang kaunlaran ng ikalawang distrito lalo’t-higit pagdating sa pagapapatupad ng mag ordinansa hinggil sa trabaho at turismo.

Sa ganitong paraan aniya ay nakatitiyak si alejandrino na madaragdagan ang tulong na maipaaabot sa bawat bayan na magiging daan naman upang magdala ng turismo na maghahatid ng maraming hanap buhay para sa mga mamayan ng ikalawang distrito. (pio-lucena/c. Zapanta)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.