Sa eksklusibong panayam ng TV12 kay Konsehal Sunshine Abcede- LLaga, Chairperson ng Committee on Social Welfare, ibinahagi nito ang naging...
Sa eksklusibong panayam ng TV12
kay Konsehal Sunshine Abcede- LLaga, Chairperson ng Committee on Social
Welfare, ibinahagi nito ang naging katagumpayan ng isinagawa kamakailan na
programang Sanggunian para sa Kabataan 2018.
Ayon sa konsehal nasa mahigit sa dalawampung
kabataan na pawang mga student leaders mula sa iba’t ibang public at private
high schools sa lungsod ang nakiisa at naging partisipante ng naturang
programa.
Ayon pa dito, nahati sa dalawang
bahagi ang Sanggunian para sa kabataan 2018, sa pakikipagtulungan na din sa SK
Federation sa pamumuno ni Konsehal Patrick Nadera.
Sa unang bahagi aniya ay nagsagawa
ng pagtuturo ng ilang lectures sa mga ito kabilang na ang iba’t ibang ordinansa
ng lokal na pamahalaan, kahalagahan ng pagkakaroon ng good governance at iba
pang aspeto na may kinalaman sa pamamahala ng komunidad.
Inilibot din aniya ang mga ito sa
ilang matatagumpay na programa ng pamahalaang panlungsod sa ilalim ng mahusay
na pamumuno ni Mayor Dondon Alcala kabilang na ang Sanitary Landfill at and
DonVictor Ville.
Sa ikalawang bahagi naman ay
nakipag ugnayan ang mga kabataan sa mga hepe ng ilang tanggapan sa pamhalaan at
nagsilbing mga little executive heads, gayundin ang ilan sa mga ito ay naging
youth counterpart councillors na nakiisa at nakibahagi sa regular na sesyon ng
sangguniang panlungsod.
Sa pagsasakatuparan ng naturang
programa naniniwala si Llaga na malaki ang natutunanan ng mga kabataan sa
kanilang mga naging karanassan.
Dagdag pa nito, sa isinagawang
aktibidad ay hindi lamang tanging mga kabataan ang nagkaroon ng kaalaman
dahilan sa maging silang mga konsehales ay may natutunan din sa mga ito.
At ang kaalamang ito ay parehong
magagamit ng dalawang naturang panig sa mas epektibo pang pamamahala sa
kani-anilang mga paaralan at sa lungsod ng bagong Lucena. (PIO-Lucena/M.A.Minor)