Bawat pagkalog ng bola sa lalagyan ay makikita ang kasabikan at bawat pagbunot ng mga numero ay makikita ang katuwaan. Ito kung isalarawan a...
Ito kung isalarawan ang naramdaman ng bawat kawani ng pamahalaang panlungsod ng Lucena sa idinaos kamakailan na LCGEU Bingo Bonanza sa Lucena City Government Complex.
Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng lokal na pamahalaan ng Linggo ng mga kawani ngayong taon, sama-samang nagtipon tipon ang mga empleyado nito at nakiisa sa naturang palaro.
Ang laro ay umaabot sa labing pitong draw na kung saan ay iba’t ibang bingo patterns ang bubuuin.
Ang bawat manlalaro naman na makaka-bingo ay mananalo ng cash prizes gayundin ay may ilang mga appliances na papremyo.
Makikita sa mga mata ng bawat isa ang katuwaan at kasiyahan sa paglalaro kasabay ng bawat pagkalog at pagbunot ng bola na tila nagpapatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa at inaantay na banggitin ang numerong nasa kani-kanilang bingo cards.
Ang aktibidad na ito ay patunay lamang na hindi lang basta matapat na pagtatrabaho ang ipinapamalas ng mga kawani kundi pakikiisa sa mga programang pangkasiyahan hatid ng pamahalaang panlungsod para sa kanila. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)
No comments