“Grooming and relaxation” ito ang ilan sa mga serbisyong ipinagkaloob ng pamahalaang panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala...
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng lokal na pamahalaan ng Linggo ng mga Kawani ngayon taon, idinaos ang LCGEU Treats sa Lucena City Government Complex kamakailan.
Ang LCGEU Treats ay isang aktibidad na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo para mga kawani ng pamahalaang panlungsod tulad ng libreng masahe at libreng gupit, grooming activities tulad ng manicure at pedicure, pagtuturo ng paraan ng pagme-make up at libreng pag-aayos ng kilay para sa mga kababaihan.
Malaki naman ang naging pasasalamat ng lahat ng mga kawani ng lokal na pamahalaan dahil sa naturang aktibidad.
Ayon kay Efren Luzon, empleyado mula sa tanggapan ng City Agriculturist at isa sa nakatanggap ng serbisyo ng libreng masahe, napakaganda aniya ng programang ito ni Mayor Dondon Alcala para sa kapwa niya mga empleyado.
Hindi lang aniya nakakatulong ito sa pagpapanatili ng maayos na kalusugan kundi nakatutulong din sa pagbabawas ng stress na maaaring nararanasan ng ilan sa mga kawani.
Hindi lang naman grooming and relaxation activities ang tampok sa Employee’s week celebration, kabilang din dito ang isinagawang free health services tulad ng pagpapatingin ng blood pressure, blood chemistry tests at iba pa.
Matagumpay namang natapos ang aktibidad at kakikitaan ng mga matatamis na ngiti ang mga mukha ng bawat empleyado na nakiisa sa programa. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)
No comments