by Nimfa L. Estrellado LUNGOD NG LUCENA, Quezon - Ang Lucena City Philippine National Police (PNP) ang siyang itinanghal na Best City Police...
LUNGOD NG LUCENA, Quezon - Ang Lucena City Philippine National Police (PNP) ang siyang itinanghal na Best City Police Station sa buong CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal) Region IV-A.
Ang awarding ay ginanap sa grand stand ng Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna kasabay ng pagdiriwang ng 117th Police Service Anniversary, na ang tema ay “Pagbabago sa Hanay ng Pulisya, Hatid ng Ligtas na Pamayanan Laban sa Korapsyon, Krimen at Iligal na Droga.”
Tinanggap ni Lucena City Police Director Supt. Romulo Albacea ang nasabing parangal na iginawad ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde na siyang panauhing pandangal sa ginanap na pagdiriwang, kasama si PRO-CALABARZON director Chief Supt. Edward Carranza.
Nagpasalamat ng buong puso si Albacea sa tinanggap na gawad, at nagsabing isa itong hamon na magsisilbing inspirasyon sa kapulisan ng Lucena upang lalong pagbutihin ang serbisyo at paigtingin ang giyera laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.
No comments