Sa pagdiriwang ng ika-17 Anibersaryo ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena ay isa sa inabangang Aktibidad ng mga mag-aaral dito ay ang Mayor’s...
Ginanap ang naturang Aktibidad na ito sa compound mismo ng naturang paaralan.
Di pa man nag-uumpisa ang programa ay sabik na sabik ng makita ng mga estudyante ang kanilang itinuturing na Daddy.
At paglabas ng Alkalde sa gusali kung saan kasama nito ang mga guro ng DLL ay sinalubong sila ng masigabong palakpakan at sigawan bilang pagwelcome ng mga ito sa punong lungsod.
Sa daloy ng programa isa isang humanay sa harapan ang mga guro upang ipinakita letra ng pangalan ng punong ehikutibo kung saan ay may ibigsabihin ang mga ito.
At pagkatapos nito ay isinunood na ng mga ito ang kani-kanilang presintation para kay Mayor Dondon Alcala.
Unang sumayaw dito ay ang mga guro at staff ng DLL kung saan ay ikinatuwa ng mga estudyante at lalo’t higit Mayor Alcala.
Sa huling presintasyon ay ang kinantahan ng mga ito ng birthday song ang Alkalde at pinaakyat ito sa intablado, dito ay ibinigay ang munting regalo na picture frame at cake.
Matapos na kantahan ay isa isa naman kinamayan Alkalde ang lahat ng mga guro at estudyante ng DLL.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala ay nagpasalamat ito sa DLL Family sa pangunguna ng Dean nito na si Dra. Mercedita Torres at lahat ng mga dumalo sa aktibidad.
Sinabi rin nito na nakita niya ang effort ng mga guro at estudyante para mapaganda ang at maging masaya ang Mayor’s Night.
Pabiro pang binanggit nito na nakita at naramdaman niya na bumata sila dahilan sa mga tugtugin na pang 80’s.
Dagdag pa nito na ang naturang aktibidad na ito ay para sa lahat.
Samantalang hindi rin naman nagpahuli ang mga estudyante na naging presidente ng eskuwelahan dahil sa may iniregalo rin ang mga ito kay Mayor Dondon Alcala at malugod naman na tinanggap nito at nagpasalamat sa mga ito. (PIO-Lucena/J. Maceda)