Upang maging maalwan at maayos ang taunang pagdaraos ng araw ng mga patay,sa pangunguna ni city administrator anacleto june alcala, matagump...
Sa paggunita ng araw ng mga patay, inaasahang magiging masikip ang daloy ng trapiko lalo’t higit sa mga terminal at seaport ng lungsod bunsod ng pagdagsa ng mga tao mula sa iba’t-ibang lugar at probinsya na dadalaw sa mga yumaong mahal nila sa buhay , kaya naman ilang linggo bago ang ika-1 ng nobyembre, mabusising pagpaplano ang ginagawa ng lokal na pamahalaan masiguro lamang na walang magiging aberya sa nasabing araw.
Tinalakay sa isinagawang pagpupulong ang nakahandang plano at estratehiya ng mga ahensya sa pangunguna ng lucena pnp at traffic enforcement section, mapanatili lamang ang kaayusan sa mga lugar gaya ng lucena city old public cementery, st. Ferdinand old cementery, lucena memorial park, st. Ignatius memorial park, lucena city new public cementery, philippine ports authority at grand central terminal na inaasahang dadagsain ng libo-libong katao.
Kaugnay nito, maging maluwag at maiwasan naman ang buhol-buhol na daloy ng mga sasakyan, ipinrisinta rin sa pagpupulong ang nakahandang traffic rereouting scheme ng mga ahensya gaya ng oras ng pagsasara ng ilang mga kalye at ng mga kalsada na gagawing one way at magsisilbing alternatibong ruta. Gayundin ang mga lugar na maaaring paradahan ng mga motorista.
Bukod sa trapiko, kailangan ring maging listo ang mga kapulisan lalo na’t lumalabas at naglilipana sa tuwing ganitong panahon ang mga banta mula sa mga mapagsamantalang sindikato at masasamang loob.
Kaya naman siniguro ng pulisya na maayos na nakadesignate ang kanilang grupo sa mga itatayong motorist at police assistance center sa lungsod at gayundin sa gagaiwng pagronda ng 4 na mobile patrol cars sa buong lugar.
Kaisa rin ng kapulisan ang iba pang tanggapan gaya ng city health, bureau of fire protection, city general servicess, city engineering, at emergeny response team para sa control management, medical , at logistical support na kakailanganin.
Ang public market at business permit and licensing office naman ang nakatoka sa pagsisiguro na magiging maayos ang pagpwesto ng mga maninidahan ng mga bulaklak upang hindi maging isa pang dahilan ng pagsikip ng kalsda at mga daanan. (PIO-Lucena/C. Zapanta)