LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang mas maitaguyod ang turismo ng Lungsod, sa pangunguna ng City Tourism officer na si Arween Flores ay matagu...
Dumalo sa nasabing pagpupulong si konsehal Sunshine Abcede-Ilaga at ang mga representante mula sa iba’t-ibang sektor gaya ng non government organizations, public at private schools sector, professional sector, business sector, at religious sector na siyang magtutulong-tulong sa pagbuo ng mga ideya at plano upang mas magkaroon ng pagkakakilanlan ang lungsod ng lucena sa larangan ng kultura at turismo.
Parte rin ng nasabing aktibidad pagpapasa ng tungkulin sa mga myembro kung saan hinirang na bagong chairman si Dr. Luzviminda calzado na kumakatawan sa professional sector habang vice chairman for administration naman ang city school’s superintendent na si Dr. Aniano ogayon at si arween flores bilang vice chairman for operations.
Bukod sa usapin ng mga dapat na gawing karampatang aksyon para sa kinakailangang sertipikasyon para sa philippine national railway, napagkasunduan rin ng council na dapat na magkaroon ng bukod na kometiba para sa cultural mapping ng lungsod nang sa gayon ay mas mapagtuunan ng pansin ang pagpapalawig nito.
Sinamantala na rin ni konsehal sunshine abcede-llaga ang pagkakataon upang ipresinta sa harapan ng council at ng mga representante mula sa private at public schools sector ang alamat ng kambal na ilog ng lungsod ng lucena. Umaasa ang konsehala na kapag naaprubahan ng council ang nasabing kwento, maaari itong ipaimprenta at ipakalat sa mga paaralan upang maging babasahin ng mga mag-aaral.
Binigyang pansin rin dito ang gagawing preperasyon ng council para sa gaganaping aktibidad sa ika-6 ng oktubre kung saan dadayo sa lungsod ang mga myemrbo ng grupong pintigan upang magturo sa 50 estudyante na interesadong matutong tumugtog ng iba’t-ibang instrumento. Isa umano ito sa mga aktibidad na pinopondohan ng national commission for culture and the arts na makatutulong upang mas ma--- ang kulturang pilipino sa pamamagitan ng musika.
Umaasa ang bagong hirang na chairman na sa tulong ng iba’t-ibang sektor ay mapagtatagumpayan nilang maiangat ang pangalan ng lucena pagdating sa aspeto ng kultura. (PIO Lucena/C.Zapanta)
No comments