Sa pagnanais na mas matulungan pa ang mga mamamayang Lucenahin, ipapamahagi ng tanggapan ng City Agriculturist sa pamumuno ni Melissa Letarg...
Ayon kay Letargo, bagamat sa ngayon ay wala pa silang listahan ng mga posibleng magiging benepisyaryo, inaasahan naman na ang mga ito ay magmumula sa Barangay Salinas o Barangay Barra na kapwa nasa coastal area ng lungsod.
Bawat fisher folk naman na mapagkakalooban ay makakatanggap ng sampung piraso ng mga naturang panghuli ng alimango.
Hindi na naman ito ang unang beses na namahagi ang tanggapan ng mga nasabing kagamitan sa mga Lucenahing mangingsda.
Kaisa ng mithiin ng lokal na pamahalaan na umunlad ang pamumuhay ng mga mamamayan kasabay ng patuloy pang pang-unlad ng lungsod, inaasahan pa ang mga programa partikular na sa aspetong pangkabuhayan para sa kanila.
Ang pamamahaging ito ay isa lamang sa mga livelihood programs ng City Agriculturist Office kaisa ng pamahalaang panlungsod para sa mga mamamayang Lucenahin. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)
No comments