Kakaiba at bago sa pandinig, ito kung isalarawan ang kompetisyon na nilahukan ng mga Lucenahin kamakailan sa Trece Martires, Cavite. Inuwi n...
Inuwi ng dalawang kabataang Lucenahin ang una at ikatlong pwesto matapos talunin ang kanilang mga katunggali sa Search for the first batang OA o Organic Agriculture Quizbee competition.
Ang mga naturang nanalo ay sina Leovylyn Embradura ng Gulang-gulang National High School Ibabang Talim Extension, first place at tinanghal na kauna-unahang Batang OA.
At si Rondel Villalon ng Lucena City National High School Mayao Parada Extension na nagkamit ng Third place.
Ang nasabing Quizbee Competition ay inorganisa ng Department of Agriculture, agricultural training institute Region IV-A.
Binigyang pagkilala naman ng pamahalaang panlungsod ang mga nabanggit na Lucena Pride, sa ginanap na regular na flag raising ceremony.
Kasama ang kani-kanilang School Principal at trainors na sina Isagani Lucos, Baby Ayesha Gutierez at Michelle Morong ay masayang tinanggap ng dalawa ang sertipiko ng pagkilala.
Labis na ikinatuwa ng lokal na pamahalaan lalo’t higit ni Mayor Dondon Alcala, ang karangalang naiambag ng mga ito para sa lungsod.
Ang pagbibigay ng komendasyon sa mga ito ay bilang pasasalamat na din sa pagdala nila ng pangalan ng Lucena sa rehiyonal na kompetisyon. (PIO-Lucena/ M.A.Minor)