TAGKAWAYAN, Quezon - Hinikayat at handang tulungan ng mga opisyal ng Center for Agriculture and Rural Development CARD), Inc.-Mutually Reinf...
Sa isinagawang “Lakbay –Aral for Media” ng CARD-MRI sa Tagkawayan, Quezon at Camarines Sur kamakailan, sinabi ni Flor Sarmiento ng CARD-MRI sa pulong ng mga miyembro ng EMERALD- CARD sa Camarines Sur na maaaring mag-loan ang mga miyembro sa CARD-MRI para mabayaran ang isang taong hulog sa SSS at maaaring bayaran aniya ito sa loob ng anim na buwan.
Ayon pa kay Sarmiento, layunin din ng kanilang tanggapan na maging miyembro ng SSS ang lahat ng miyembro ng CARD-MRI sa buong bansa.
Ang ‘Lakbay-Aral for Media” ay isinagawa ng CARD-MRI sa Tagkawayan, Quezon upang malaman ng mga mamamahayag ang mga programa at serbisyo ng CARD-MRI.
Bukod sa micro-finance program o pagpapahiram ng puhunan para gamitin sa negosyo, may iba pang mga programa rin ang CARD-MRI sa libong miyembro nito kagaya ng pagsasagawa ng mga pagsasanay ukol sa mga gawaing pangkabuhayan, medical mission, scholarship program gayundin ang paghikayat pa sa mga miyembro ng CARD-MRI na maging miyembro ng Social Security System (SSS) upang makakuha ng mga benepisyo mula sa SSS. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)