Ito po ay isang magandang pagkakataon na ituro sa publiko ang mga tamang kaparaanan ng pag-rescue nang sa gayun ay alam na ng mga ito ang ...
Ito po ay isang magandang
pagkakataon na ituro sa publiko ang mga tamang kaparaanan ng pag-rescue nang sa
gayun ay alam na ng mga ito ang gagawin sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Ito ang naging pahayag ni Konsehal
Anacleto Alcala III matapos siyang kapanayamin ng TV12 kamakailan sa naganap na
Mayor Roderick “Dondon” Alcala 2nd Industrial/ Commercial Fire
Olympics at 1st Branagy Rescue Olympics on First Aid managemet.
Dagdag pa ng konsehal, malaking
bagay kapag ang isang indibidwal ay mayroong kaalaman sa mga bagay na dapat
isaalang alang at isagawa sa panahon ng mga di inaasahang insidente tulad ng bagyo,
lindol o anumang uri ng aksidente.
Maiiwasan din aniya ang pagpapanic
gayundin ay makakatulong ang natutunang kaalaman sa tamang pagresponde sa
biktima sa pamamagitan ng pagbibigay ng paunang lunas sa mga ito.
Binanggit din nito na bilang ang
bansang Pilipinas ay isa sa mga bansa na madalas na tamaan ng kalamidad
partikular na ng bagyo, mainam na maipabatid ang ganitong uri ng kaalaman at
isagawa ang mga pagsasanay na ito maging sa grassroot level ng komunidad o ang
mga barangay
Ang pagsasagawa rin aniya ng
naturang aktibidad ay nagbubukas sa isipan ng mga mamamayan upang mas maging
handa pa nang sa gayun ay maiwasan ang anumang di inaasahang kaganapan at
malimitahan ang mga mamamayan o ari-ariang maaaring maapektuhan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)