Partido Federal ng Pilipinas National and Regional Officers, Former Governor Quezon Province Eddie T. Rodriguez (left), PFP National Presi...
by Olan L. Lao
Lungsod ng Lucena, Quezon - Pormal ng naiproklama bilang opisyal na kandidato si PFP Quezon Provincial Chairman si Benilda Fatima R. Abuy para Gobernador ng lalawigan ng Quezon ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), isang bagong sibol na political party, nina Party National President Atty. Jayvee Hinlo, MRRD National President at kasalukuyang DAR Secretary John Castrissiones at Region 4A PFP Chairman former Governor Eddie T. Rodriguez.
Nangyari ang pagproklama kay Abuy sa Quezon City Memorial Circle Max’s Restaurant, nitong October 8, 2018 sa isang national press conference, kasabay ng iba pang kakandidato sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas na may 40 hanggang 50 ang standard bearers ang sasabak sa congressional seat at nasa 30 hanggang 40 nman sa pagka governor kabilang si Abuy.
Si Abuy ay kilalang negosyante sa Lungsod ng Lucena na sumuporta sa pagkandidato ni Pangulong Duterte nitong nakaraang 2016 election, dati rin siyang Secretery General ng PDP Laban ng Quezon at kasalukuyang Region 4A Chairman for Membership at Quezon Provincial Chairman ng Partido Federal ng Pilipinas.