Kawalan ng maayos na kooridnasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga tanggapan at utility companies ang itinuturong dahilan sa naganap na i...
Sa pagdalo ng mga representante mula sa city engineering office, department of public works and highways, at prrimewater quezon metro sa oras kabatiran ng nakalipas na regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan, nabigyang linaw ang tunay na dahilan ng aberya sa supply ng tubig sa ilang barangay sa lungsod na labis na nakaapekto sa pangaraw-araw na buhay ng mga konsesyonaryo nito.
Sa ngalan ni atty. Vicente joyas, chairman of the board ng primewater quezon metro, ipinahayahag ni branch manager engr. Jeff gunay na noong ika- 5 ng oktubre, natamaan ng isinagawang paghuhukay ng fiber net construct corporation na siyang contractor ng converge telecom ang isa sa mga transmission lines ng primewater na siyang nagsusupply ng tubig sa lungsod ng lucena.
Giit ni gunay, agad nilang inaksyunan ang nangyaring insidente ngunit dahil umano sa may kalumaan at medyo malalim ang hukay ng linya, inabot ng dalawang araw ang pagsasaayos nito. Bukod dito, lagi rin umano silang nagbibigay ng update sa kanilang mga konsesyonaryo sa pamamagitan ng kanilang facebook account.
Aminado naman si cunay na bilang utility company, nararapat lamang na magkaroon sila ng maaayos na komunikasyon sa iba pang utility companies gaya ng converge telecom sapagkat madalas, ang mga linya nila ay nakabaon sa lupa.
Ayon naman kay konsehal nick pedro, nang dahil sa hindi pagsipot ng converge telecom sa isinagawang pagpapatawag, hindi maisasara ang usapin dahil hindi mapa-finalize kung ano ang gagawing karampatang aksyon ng nasabing utility company na dapat managot sa problema.
Giit naman ni city engineer rhodencio tolentino, sa naging pakikipag-usap niya sa converge telecom, hindi pa umano masimulan ng nasabing kompanya ang pagsasaayos ng nasirang tubo dahil hinihintay pa nila ang mga tauhan ng primewater.
Apela naman ni gunay, bukod sa ipinadalang request letter ng converge telecom na humihingi ng kopya ng plano ng mga nakabaong linya ng tubo, hindi pa nakikipagusap ang mga ito sa kanilang tanggapan upang planuhin ang susunod nilang hakbangin para dito.
Samantala, inaaasahang sa darating na regular na sesyon ng sangguniang panlungsod sa ika-22 ng oktubre, dadalo na sa oras kabatiran ang converge telecom kasabay ang mga nasabing tanggapan upang mabigayng linaw at klaripikasyon ang nasabing isyu. (pio-lucena/c. Zapanta)