Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PUBLIC HEARING TUNGKOL SA PAGBABAGO NG TARIPA NG PAMASAHE SA LUNGSOD, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

Matagumpay na naisagawa kamakailan ang public hearing tungkol sa pagbabago ng Taripa ng pamasahe sa lungsod ng lucena. Pinangunahan ni Counc...

Matagumpay na naisagawa kamakailan ang public hearing tungkol sa pagbabago ng Taripa ng pamasahe sa lungsod ng lucena.

Pinangunahan ni Councilor Vic Paulo bilang Chairman ng Transportation ang nasabing pagpupulong kasama nito at dumalo sina City Administrator Anacleto Jun Alcala Jr., Konsehal Atty. Sunshine Abcede Llaga, Konsehal Nick Pedro, Konsehal Patrick Nadera SK Federation President.

Ganoon din ang Head ng Tricycle Franchising and Regulatory Office na si Noriel Obcemea at lahat ng mga pangulo ng Toda sa lungsod ng lucena.

Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa Multi-purpose sa 4th Floor ng Lucena City Government Complex.

Ilang sa mga napag-usapan ay ang dating Ordinance Blg. 2304 series of 2018 isang ordinasa na pinagtitbay ang pagdaragdag pasahe sa lungsod ng lucena.

Sa pagpapatuloy naman ng talakayan ay ilang sa mga pangulo ng mga magtitricycle sa lungsod ay iminungkahi na gawin 10 pesos ang regular na pasahe, may ilang naman na gawin umano na 12 pesos.

Bagay na pinagdeskusyunan ng mga ito sa nasabing pagpupulong.

At sa pagkakataon ito ay nagbigay ng suwesyon si konsehal Nick Pedro na gumawa ng petition ang bawat pangulo ng tricycle hinggil sa pasahe.

Na ayon dito ay ibigay sa board ng kanilang federasyon na ang mga ito ang magtatakda ng hearing at ang board na rin ang magdedepensa ng petition nila at magdedetition sa nasabing usapin at bilis bilisan aniya ng mga ito binigyan ng isang linggo upang maisaayos ang kanilang petition.

Samantalang sa naging pahayag naman ni Konsehal Vic Paulo sa esklusibong panayam dito kailangan na ang mga idinudulog ng mga pangulo ng bawat tricycle sa lungsod.

Na dapat ay dumaan sa tamang proseso kung kaya naman nagpatawag ng kaukulang pagdining hinggil sa gustong ng mga ito na pagbabago sa taripa ng pasahe sa lungsod.

ayon pa kay Paulo, kung aniya gagawa sila ng petittion ang mga pangulo toda.

ang mga ito na mag-uusap at isasabmit nila sa petition sa TFRO para sa pagtataas ng pamasahe ng mga ito.

Dagdag nito kapag naisayos na ang mga petition ay ang board na ang magdadala kay Mayor Dondon Alcala na siyang Chairman.

at siya ang Vice Chairman at ang mga miyembro ay ang City Treasurer's Office, ABC President, Pangulo ng TODA at iba pa.

Pag-aaralan naman ng mga ito ang isinabmit nilang petition.

sa sinabi naman ni Paulo sa binanggit rin ng kaniyang mga kasamahan na bilis bilisan ang aksyon sa kanilang ipapasang petition.

na ayon pa rin sa konsehal, na kapag natapos na nila ito at naisumite sa sangguniang panlungsod ay sila naman ang gagawa ng aksyon upang maipasa na ito sa konseho ng sa ganoon aniya ay maipatupad na ang tamang paniningil sa pasahe sa tricycle.

sa huli ai sinabi rin nito na kung maaari ay sa loob ng isang linggo ay maisaayos na nila ang kanilang petition. (PIO-Lucena/J. Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.