Isa sa napakahalagang bagay pagdating sa sakuna o kalamidad ay ang pagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga mamamayan at ng a...
Gayundin ay ang pagkakaroon ng pangunahing kaalaman ng bawat isa hinggil sa mga dapat isagawa at isaalang-alang pagdating ng mga di inaasahang insidente.
Kaugnay nito, isinagawa kamakailan sa Barangay Barra ang isang aktibidad na naglalayong sanayin ang mamamayan sa tamang paggamit ng radio communication na isa sa pangunahing epektibong paraan ng pakikipag-usap sa panahon ng sakuna.
Sa tulong nito ay mas magiging mabilis ang pagpapalitan ng dalawang panig ng impormasyon hinggil sa iba’t ibang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.
Gayundin ang knot-tying na maaari namang magamit sa emergency and rescue operations.
Ang mga nabanggit na trainings ay ginanap sa Barra Elementary School na kung saan ay nakilahok ang sangguniang barangay sa pamumuno ni Kapitana Amy Sobreviñas, mga kawani ng pamunuan at ilang mga mamamayan ng barangay.
Sa tulong ng Department of Education katuwang ang mga bumubuo ng Barangay Emergency Response Team ay naisagawa ng matagumpay ang nasabing pagsasanay.
Ang naturang aktibidad ay isa lamang sa hakbangin ng pamumunang barangay para maipabatid sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman hinngil sa emergency and rescue operatio n information.
Magsisilbin rin itong kahandaan at posibleng magamit ang mga natutunan kung sakali mang may dumating na sakuna o kalamidad sa lugar.
Bagamat marami nang natutunanan ang mga mamamayan, patuloy pa rin ang sangguniang barangay ng Barra sa pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidades sa kanilang komunidad para sa ikatitiyak ng kaligtasan ng lahat ng mamamayan nito. (PIO-Lucena/ M.A.Minor)