Lusot na sa ikalawang pagbasa ang isang resolusyon na naglalayong mabigyan ng pagkilala ang ilang mga kooperatiba sa lungsod para sa kanil...
Lusot na sa ikalawang pagbasa ang
isang resolusyon na naglalayong mabigyan ng pagkilala ang ilang mga kooperatiba
sa lungsod para sa kanilang mahusay na pagganap sa
pagbibigay ng kalidad na mga serbisyo sa kanilang mga miyembro at sa komunidad.
Ang mga kooperatibang ito ay ang pawang mga
recepients ng iba’t ibang parangal mula sa regional and national cooperative
award-giving bodies tulad ng Cooperative Development Authority at Land Bank of
the Philippines sa pamamagitan kanilang Gawad sa Pinakatanaging Kooperatiba o
Gawad Pitak.
Gayundin ay mula sa ilang non-government
organizations tulad ng Genny Lopez Jr. Foundation at ang Villar Social Institue
for Poverty Alleviation and Governance o SIPAG.
Kabilang naman sa mga kooperatiba sa lungsod
na inaasahang bigyang pagkilala ng lokal na pamahalaan ay ang Kooperatiba ng
Nagkakaisang Mamamayan Multi-purpose cooperative, St. Jude Multi-purpose
Cooperative, Quezon Medical Mission Group Multi-purpose cooperative,
Cooperative Bank of Quezon Province, Quezon Public School Teachers and
Employees Credit Cooperative at Quezon Federation and Union of Cooperatives.
Ang naturang resolusyon ay iprinesenta at
inihain ni KOnsehal Sunshine Abcede-Llaga na siyang tumatayong chairperson ng
Committee on Cooperatives.
Naglalayon din itong maipakita ang tinatawag
na strong social impact para sa mga
mahahalagang papel ng mga kooperatiba sa pagkakamit ng katarungang
panlipunan, pagkakapantay-pantay at sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng
lungsod. (PIO-Lucena/M.A.Minor)