Matagumpay na naisagawa ang Team Building Cum Palarong Kawani ng pamahalaan panlungsod kamakailan. Ang nasabing aktibidad na ito ay ginanap ...
Ang nasabing aktibidad na ito ay ginanap sa harapan ng Lucena City Government Complex.
Dumalo naman si Mayor Roderick “Dondon” Alcala upang ipakita sa mga kawani ang pagsuporta nito sa aktibida ganoon kasama nito si konsehal Atty. Sunshine Abcede Llaga.
Sa pagdaloy ng programa ay isang panalangin na pinangunahan ng staff ng LCGEU.
Sinundan ng maikling pananalita ng pangulo ng LCGEU na si Julie Fernandez at inihudyat na ang pasisimula ng nasabing aktibidad.
At ipinakilala na ang bawat team kung saan ay mayroon pitong Cluster ang Cluster 1 ito yellow na kinabibilang ng Library, GSO-9003, Ancillary, Traffic, TFRO, SPU at DILG (JO).
Ang Cluster 3 White ang tanggapan ay ang SP, CPDO, CHRMO, Liga (JO), Clean and Green, Peso at Pleb.
Cluster 4 Red Agriculture, Auction Market, Slaugtherhouse, Engineering, Prosecutor (JO), at Clerk of Court (JO).
Cluster 5 Blue Public Market, City Mayor’s Office, Budget, Administrator, PopCom at Sports.
Ang Cluster 6 Orange ay ang Opisina ng UPAD, Accounting, GSO, Ligal at PIO.
Cluster 7 Violet ay City Health, CSWDO, RAC, OSCA, CADAC, Veterinary, CCTV (JO), Zoning, Community Affairs, LCDRRMO at Tourism Office.
At ang Cluster 8 Green na kinabibilangan ng tanggapan ng City Treasurer’s Office, Assesor, Civil Registrar at BPLO.
Ipinakilala naman ang mga naging facilitator sa nasabing aktibidad na pinangunahan ni Joe Jader ng DepEd Lucena at dito ay ipinaliwanag ang mga rules and regulation ng laro sa mga leaders ng bawat cluster.
At pagkatapos ay isa-isa ng nagpakita ng kanilang Yell o cheer ang bawat team.
Samantalang na nagbigay naman ng pananalita si Konsehal Abcede at sinabi nito sa mga kawani na hindi lang masisipag sa pagtatrabaho pero magagaling rin umawit at sumayaw ang mga ito.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala ay binati nito ang lahat ng mga lahat ng mga naroon sa aktibidad sa pangunguna ng pangulo ng LCGEU na si Lulie Fernandez.
Ayon sa Alkalde na alam niya na pinaghandaan ng bawat team ang mga laro.
Ayon pa sa Punong Lungsod, maganda aniya na ang ganitong aktibidad at kompleto.
Dahil alam niya na ito ay hindi lamang sa mahabang selebrasyon para sa araw na ating mga kawani.
Dagdag pa nito na ang aktibidad na ito ay upang mapalapit sa isa’t isa ang bawat empleyado at magkaroon na kamaraderi ng sa ganoon ay maging maganda ang relasyon ng bawat isa.
Upang maging maganda ang pagseserbisyo natin para sa mga mamamayan ng lungsod ng lucena.
Pagkatapos naman makapagsalita ni Mayor Dondon Alcala ay muling inumpisahan ang mga palaro kawani.
At sabawat larong ito ay mayroon puntos na ang pinakamataas ay 15 points, 10 points at 5 points.
Kung saan ay nagkampeon dito ang white team nakakuha sila ng 90 points, 1st runner up ang red team na may 85 points, 2nd runner up ang blue team 70 points, parehas naman nakuha ng green at violet team ang 3rd runner up kung saan nakakuha sila ng parehas na 55 points at consolation naman sa orange team. (PIO-Lucena/ J. Maceda)
No comments