Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Usapin hinggil sa Modernization ng Jeep, binigyang pansin ni Konsehal Nick Pedro

Na kaugnayan ko po ang ilang mga pederasyon ng mga Jeepney Drivers sa lugnsod ng lucena at napag-usapan namin ang tungkol sa modernization p...

Na kaugnayan ko po ang ilang mga pederasyon ng mga Jeepney Drivers sa lugnsod ng lucena at napag-usapan namin ang tungkol sa modernization plan ng national government na ibigsabihin ay ang pag-phase out sa mga traditional na jeepney at palitan ito ng isang morderno na mga jeep.

Ito ang binanggit ni konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro sa panayam ng TV12 dito kamakailan bago pa man ito magprebilihiyong talumpati na kung saan ay binuksan ang usapin hinggil sa modernization ng jeep.

Ayon kay Konsehal Pedro, ang nasabing jeep ay may mas maraming passenger capacity, sideways ang daan, may technology features para sa collection, may global position system o GPS.

Ganoon din may CCTV, aircon, bago ang lahat ng mga piyesa at iba pa.

Ayon sa mga driver ay ang nasabing presyo ay nasa 1.2 hanggang 1.8 milyong peso.

Sinabi ng mga ito na mukhang hindi abot ng kanilang kakayahan ang makaavail ng ganoon kalaking halaga.

Sapagkat dito umano sa lungsod ng lucena ay ang bounder ay 400 pesos at ang pinakamalaking kita ng driver ay 400 pesos din halos ang kinikita nila.

Dagdag pa ni Pedro, paano maaavail kung ang huhulog mo ay 800 pesos per/day na siyang hinaing ng mga drivers sa lungsod.

Kaya naman ang mga driver ay naghahanap ng solusyon kung papaano sila matutulungan ng national government at local government para magkaroon sila ng opition na puwedign paraan na magkaroon sila ng kakayanan na makaavail ng modernong jeep na ito.

Hindi naman aniya tinututulan ng mga driver ang nasabing modernization at ok lang sa mga ito pero prohibitive ang presyo.

Mayroon ilang mungkahi ang mga jeepney drive na kung maaari ay babaan ang presyo ng kabuuang unit o kaya naman umano ay babaan ang hulog nito buwan buwan na abot sa kanilang kapasidad na kinikita.

Idinagdag pa ng butihin konsehal na may mungkahi rin ang mga ito na kung puwede yon mga magaganda at mahuhusay pa na jeep sa ngayon ay baka aniya na puwede na mai-rebuilt.

Na ayon sa mga ito ay kung puwede ay palitan na lamang nila ang makina ng dati nilang jeep ng gaya ng euro-4.

Susunod naman ang mga driver pero kung puwede ay huwag ng palitan ang buong unit ng jeep nila ito ang ilang mungkahi ng mga jeepney driver sa lungsod.

Nanawagan naman si konsehal Nick Pedro sa national government nakailangan sadya ay maging bukas sa usaping ng modernization ng jeep wala naman pagtutol dito.

Pero aniya ay dapat may may kakayahan prohibitive na ibigsabihin ay dapat eh factor in sa programa yong halaga sa kakayahan ng paghuhulog ng mga mabibigyan ng binipisyo.

Sapagkat kung hindi kayang ang paghuhulog ay marami ang mawawalan ng hanapbuhay ang mga tao.

Sa huli ay huwag sabihin na ang pamamasada ng public transport ay hindi livelihood at ito ay serbisyo lang.

Samantalang sinuportahan naman ng lahat ng mga kasamahan niyang konsehal ang prebilihiyong talumpati nito. (PIO-Lucena/ J. Maceda)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.