Sa ginawang pagdalo ni p/supt. Reydante ariza sa oras kabatiran ng regular na sesyon ng sangguniang panlungsod kamakailan, ipinahayag ni kon...
Ayon kay alejandrino, bagamat hindi nasasakupan ng kapangyarihan ni mayor dondon alcala ang mga kapulisan, nais ng konsehal na ipabatid kay ariza na hindi pinababayaan ng alkalde ang nasabing ahensya.
Sa katunayan kamakailan lamang umano ay inaprubahan na ng sangguniang panlungsod ang mas malaking budget para sa lucena pnp para sa taong 2019 .
Mula kasi sa dating 1 bilyon at 66 na milyong pisong budget ng lungsod para sa taong 2018, tumaas ito ng halos 8 porsyento sa halagang 1 bilyon ay 146 na milyong piso .
Kaya naman kung noong taong 2017 ay nasa halos 14 na milyon lamang ang financial assistance na ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa lucena pnp na bahagyang tumaas noong 2018at umabot sa halagang 15 milyong piso, ngayong darating na 2019, minabuti umano ni mayor dondon alcala na dagdagan ng 3 milyong ang ayudang pampinansayal para sa mga kapulisan at gawin nang 18 milyong piso.
Bilang chairman ng committee on appropriations, sang-ayon si alejandrino na nararapat lamang ang ginawang pagtataas ng budget dahil nararamdaman naman umano ng mga lucenahin ang bunga ng walang tigil at walang sawang pagtupad ng mga kapulisan sa kani-kanilang mga tungkulin pagdating sa pagpapanatili ng katahimikan ng lugar.
Umaasa si alejandrino na ang 18 milyong pisong finacial assistance na ibibigay ng lokal na pamahalaan sa mga kapulisan simula sa darating na enero ay magiging daan upang mas mapagbuti pa ng mga ito ang kanilang trabaho at makatulong upangg mas maging matagumpay pa ang mga operasyong isasagawa ng grupo laban sa kriminalidad at ilegal na droga.
Bilang human rights lawyer ay sinamantala rin ni alejandrino ang pagkakataon upang ipabatid sa hepe na nirerekognisa ng kapulungan ang kampanya ng pangulong duterte laban sa ilegal na droga ngunit kasabay nito ay hiniling ng konsehal na hindi man tuluyang mawala ay mabawasan sana ang paglabag ng mga kapulisan sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan. (Pio lucena/c.Zapanta)