Upang ipakita ang pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto na isinasagawa ng City Social Welfare and Development Office ay kamakailan...
Binisita ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isinagawang Seminar na ito ng CSWDO, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Children Months.
Ang naturang seminar na ito ay sa inisyatiba ng Soroptimist Internation Lucena.
Kung saan ay ang mga naging participants dito ay ang Child Development Center Workers sa lungsod.
Ginanap ang aktibidad na ito sa 2nd floor Conferrence Room ng Mayor’s Office sa bahagi ng Lucena City Government Complex.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, malaking bagay aniya na magtulungan ang pamahalaan panlungsod para aniya kung ano ang importansiya sa story telling para sa mga kabataan.
Ayon pa sa Punong Lungsod, sa pagtuturo umano nila sa mga Daycare Students malaki rin tulong ang mga ganitong programa para sa ikalilinang at kaalaman pa ng mga bata.
Sa huli ay pinasalamatan ng Alkalde, ang Soroptimist International Lucena dahilan sa ginawang seminar na ito para para sa mga Daycare Workers. (PIO-Lucena/J.Maceda)