Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Awarding ng mga nagsipagwagi sa ginanap na Mayor DOndon Alcala Inter Office/Department Basketball Tournament, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang awarding ng mga nagsipagwagi sa ginanap na Mayor Dondon A...

Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang awarding ng mga nagsipagwagi sa ginanap na Mayor Dondon Alcala Inter office/Department Basketball League kamakailan.

Ginanap ang nasabing awarding na ito sa conference room ng Mayor’s Office na kung saan ay dinaluhan ito ng iba’t-ibang koponan na nagsipagwagi dito.

Nakasama rin ng punong lungsod sa pamamahagi ng mga premyo ng mga ito si Senior City Councilor Anacleto Alcala III at ang Head ng City Sports Division na si Coach Ogie Ng.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala dito, kaniyang pinasalamatan ang head ng city sports division dahilan sa pagkakaroon ng ganitong uri ng patimpalak.

Kaniya ring pinasalamatan ang lahat ng koponan na sumali at nakaibahgi sa nabanggit na palaro at binati rin nito ang lahat ng mga nagsipagwagi sdito.

Ayon pa rin sa alkalde, isang magandang paraan rin ito upang magkaroon ng tinatawag na camaraderie ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaang panlungsod at maging ang ilang mga nasyunal na ahensya na nakaibahagi dito.

Dagdag pa rin ni Mayor Alcala, magandang paraan rin ito upang maging masigla ang lahat ng mga empleyado ng city government sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball.

At matapos ang naging pananalita ng alkalde, isa-isa nang tinawag ang mga nagsipagwagi dito na kung saan ang unang tinawag ay ang mga nahirang na kasama sa mythical five sa nasyunal na ahensya.

Kabilang dito sina Junar Mendoza ng QPPO, Kevin Dalida ng BFP, Bobadilla ng BJMP, Ryan Lacerna ng QPPO at Atibago ng BJMP at nahirang na Most Valuable Player sa division na io si Junar Mendoza ng QPPO.

Nahirang na 3rd place sa patimpalak na ito ang koponan ng Bureau of Fire Protection-Lucena, at 2nd place naman ang Bureau of Jail Management and Penology-Lucena at nagkampeon dito ang koponan ng Quezon Police Provincial office.

Habang sa dibisyon naman ng local o sa inter-office ng city government, nahirang na kabilang sa mythical five sina Regan Firme ng Accounting Department, Dominic Vera at Geoffrey Jalbuena ng Sangguniang Panlungsod, Rolder Paleracio at Louie Abadilla ng Accounting Department at hinirang na MVP si Dominic Vera ng SP.

Nagkampeon naman dito ang team ng Sangguniang Panlungsod habang nakamit ng team ng Accounting Department ang 2nd place at naging 3rd place naman ang Engineering department.

Matapos na maibigay sa mga ito ang kanilang tropeo at cash prize, nagpakuha pa ng larawan ang mga ito bilang kanilang souvenir.

Nagbigay naman ng mensahe si Councilor Third Alcala na kung saan ay kaniya ring pinasalamatan si Coach ogie ng sa pagkakaroon nito ng inisyatiba na gawin ang nasabing patimpalak.

Pabiro pang sinabi nito na bagamat nagkampeon ang kanilang koponan ay maari namang bumawi pa ang ibang team ngunnit ito aniya ay sasusunod na taon na lamang.

Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng paltimpalak ay isang paraan rin ng pamunuan ng City Sports Division Office at ni mayor Dondon Alcala upang maging masigla ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod upang sa ganun ay maging produktibo ang mga ito sa kanilang tanggapan at sa pagbibibgay ng sebisyo sa mga mamamayan ng Lucena. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.