Halos dalawang linggo na ang nakakalipas ng magpalit ng hepe ng kapulisan ang Lungsod ng Lucena. Kung saan ay pinalitan ni Police Superien...
Kung saan ay pinalitan ni Police Superientendent Reydante Ariza si P/Supt. Romulo Albacea bilang Bagong OIC ng Lucena City PNP.
At kamakailan naman ay dumalo ito sa imbitasyon sa information hour ng regular na sesyon ng sangguniang panlungsod.
Kung saan sa ginanap na interpulation ay tumayo dito si Konsehal Atty. Boyet Alejandrino bilang Majority Floor Leader ay humingi ito ng paumanhin kay Col. Ariza, dahilan sa informal ang pagkakaimbita nila dito.
At pagkatapos nito ay tinawag ni Konsehal Alejandrino si Konsehal Vic Paulo bilang Chairman ng Committee on Peace and Order upang siya ang unang tumawag dito para ipakilala ang kaniyang sarili sapagkat nakausap na naman niya OIC ng Lucena PNP.
Sa naging pahayag naman ng Bagong hepe ng kapulisan ito ng lungsod ng lucena ay nagmula siya sa Baguio City.
Binanggit rin nito na ano man ang kailangan gawin kapulisan ay open sila sa Criticism.
Sa pagkakataon yon bilang chairman ng komitiba ng katahimikan sa lungsod sa pamumuno ni Paulo, ay nabanggit nito kay Col. Ariza na ang lucena city ay tahimik na siudad sa Calabarzon, hindi naman aniya maiwasan ang maliliit nakrimen dito.
Ayon pa kay konsehal Paulo, isa sa kaniyang hiling sa pamunuan ng kapulisan ay ngayon malapit na ang kapaskuhan.
Maglilipana na naman ang mga salisi, akyatbahay, mandurokot at iba pang uri ng krimen, naginagawa ng ilang mga kababayan natin o ng iba dumadayo dito sa lungsod.
Ito ay para lamang mabigyan ng magandang pasko ang kanilang pamilya.
Sinabi ni councilor Vic Paulo, na isa ito sa tutukan ng kapulisan ngayon panahon ng Bermonths.
Samantalang sa naging sagot naman ni Police Superientendent Ariza, sa mga nagdaan mga naging hepe ng kapulisan dito sa lungsod.
Ay binanggit nito na magagaling ang mga ito tulad nila P/Supt. Vicente Cabatingan na kaniyangunder Class at P/Supt. Romulo Albacea na kaniya naman Upper Class.
Ayon dito kaniya naman itutuloy ang anuman nasimulan ng mga ito.
Sinabi pa nito na tanging pakiusap niya sa lahat ng mga mamamayan lucenahin ay tultungan sila, dahilan sa manggagaling sa kumunidad ang anuman inpormasyon hinggil sa anuman kriminalidad na nangyayari sa lungsod.
Dagdag pa ni Col. Ariza, una pa lang na pag-upo niya bilang OIC ng Lucena PNP ay kinausap na niya ang mga barangay chairman dito sa lungsod.
At ibinigay niya sa mga ito ang plans and programs na gagawin sa ilalim ng kaniyang panunungkulan. (PIO-Lucena/J.Maceda)