Nasa larawan sina, Mayor Reynoso at Konsehal Wenda Saberola, Ms. Shiela Marie. LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon – Maraming pagkakataon na kin...
Nasa larawan sina, Mayor Reynoso at Konsehal Wenda Saberola, Ms. Shiela Marie. |
LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon – Maraming pagkakataon na kinikilala ang kabayanihan ng isang Pilipinong naghandog ng kanyang buhay upang ipaglaban ang kalayaan ng inang bayan. Subalit, kakaiba ang ipinaglaban ni Apolinario dela Cruz o mas kilala sa pangalang Hermano Puli sapagkat ang ipinaglaban niya ay kalayaan sa pananampalataya ng mga itinuturing na INDIO noong panahon ng mga kastila. Hindi alintana ang posibleng mangyari sa kanyang sarili. Subalit nanatiling matapang na nanindigan si Hermano Puli sa isang bagay na para sa kanya ay isang karapatan ng mga Pilipino at ito ay ang kalayaan sa pananampalataya at ang pagkakapantay pantay ng lahat ng tao.
At sa pagbabalik tanaw sa kanyang ginawang katapangan at kadakilaan sa ika-177 taong Anibersaryo ng kanyang kamatayan ay sinabi ni Mayor Ernida A. Reynoso na “narito tayo para maging bayaning gaya ni Hermano Puli ngunit hindi patay na bayani, kundi buhay na bayani”.
Ayon kay Mayor Reynoso ang mga bayani ay dapat maging gabay sa mga gagawin ng mga mamamayan para sa magandang kinabukasan ng inang bayan.
Aniya, bayaning buhay ang kailangan sa bayan upang mas higit pang maisulong ang kaunlaran ng bayan na ang makikinabang ay ang lahat ng sector ng lipunan. Matatandaang kamakailan lamang ay sinimulan na ang pagtatayo ng mga gusali sa SLSU - Southern Luzon State University Full Campus na libong mga mag-aaral ang makikinabang hindi lamang sa Tayabas City, kundi maging sa buong lalawigan. Para kay Mayor Reynoso buhay na bayani na maituturing ang mga kasamahan niyang naglilingkod sa mga mamamayan dahil sa kabila ng maraming trabaho ay patuloy ang mga sakripisyong ginagawa ng mga ito para sa kabutihan ng kanyang mga kababayan.
Aniya, kulang ang isang termino upang maisagawa ang mahalagang proyektong kanyang gagawin tulad ng pagpapatayo ng modern at world class na City Hall na ang disento ay nakaugnay sa kanilang kultura at kasaysayan sapagkat ayon sa kanya ay deserved ng mga taga-Tayabas ang isang maayos at konbenyenteng sentro ng pamahalaan upang ang mga mamamayan mismo ay siyang maipagmamalaki ang nasabing gagawing City Hall – kasabay ng isinusulong na ekonomiyang pag-unlad gaya ng mga bagong road network at mga investments sa lungsod ay pangunahin din kay Mayor Ernida Reynoso ang human capital investment upang masiguro ang mga kabataan ay may tamang skills at edukasyon kaya itatayo din niya ang City College sa lungsod upang walang maiwang kabataan sa laylayan ng lipunan at mabigyang pagkakataon ang mga ito sa isang magandang oportunidad at maging kabahagi sa kanyang pinapangarap na pag-unlad.
Kaya sa darating na 2019 election, ay ito anya ang ihaharap niya sa kanyang mga kababayan at hahayaan niya na sa matalinong magsusuri ng mga mamamayan ay makita ng mga ito ang magandang mga bagay na kanyang ginagawa at gagawin para sa mas higit pang ika-uunlad ng lungsod ng Tayabas at ng kanyang mga kababayan – Sa huli ay sinabi ni Mayor Reynoso na hindi siya mapapagod paglingkuran ang kanilang mga mamamayan dahil nais niyang makagawa ng magandang legasiya na kanyang iiwanan sa kanyang mga kababayan.
Samantala ayon naman kay City Councilor Lovely Reynoso, ang pag-gunita sa kabayanihan ni Hermano Pule ay patunay na patuloy na hindi nakakalimutan ang kanyang ginawang sakripisyo at hindi dapat umano itong masayang.
Katulad ng isang umuunlad ng lungsod ng Tayabas particular sa nakikitang mga investment sa Barangay Isabang ay nagpapakita ito umano ng pagsisikap ng local na pamahalaan na maibigay ang serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan na ang inspirasyon ng lahat ng ito ay ang ginawang sakripisyo ni Hermano Pule. Pagsisikapan umano ng kasalukuyang administrasyon na mapatunayan ang sakripisyong ito ng Bayaning taga Quezon upang hindi mabigo ang kanilang mga kababayan sa inaasahang patuloy na kaunlaran na hindi nagawa sa nakalipas na panahon.
With reports – Ace Fernandez, Lyndon Gonzales, Sol Luzano @ The Philippine Updates