Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Blessing at Inauguration ng Southern Quezon Convention Center sa bayan ng Gumaca, pinangunahan ni Gob. Suarez

Ang Convention Center na ito ay dahil sa lahat ng mga naniwala at nagtiwala na mayroong mas magandang bukas para sa atin. Ito ay para...



Ang Convention Center na ito ay dahil sa lahat ng mga naniwala at nagtiwala na mayroong mas magandang bukas para sa atin. Ito ay para sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon.” – Gob. David C. Suarez

Kasama sina Special Assistant to the President Bong Go, House Minority Floor Leader Congressman Danilo Suarez, ALONA Partylist Rep. Congresswoman Anna V. Suarez, pinangunahan ni Gob. David C. Suarez ang blessing at inauguration ng Southern Quezon Convention Center nitong ika-8 ng Nobyembre sa bayan ng Gumaca.

Naroon din ang ilan sa mga punong-bayan ng lalawigan at mga barangay officials kabilang na ang punong-bayan ng Gumaca na si Mayor Erwin Caralian. Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Caralian ang kanyang pasasalamat sa pamahalaang panlalawigan para sa proyektong ipinagkaloob sa kanilang bayan. Aniya, magsisilbing daan ang gusaling ito para sa pagkakaisa ng mga mamamayan hindi lamang ng kanilang munisipalidad ngunit sa kabuuan ng ika-apat ng distrito.

“Ito ang magiging simbolo ng pagkakaisa nating lahat sa bahagi ng ika-apat na distrito ng lalawigan ng Quezon. Kami po ay taos-pusong nagpapahayon ng aming pasasalamat.” pahayag ni Caralian.

Ayon naman sa panauhing pandangal na si SAP Bong Go, patunay lamang ang pagkakatatag ng Southern Quezon Convention Center sa mahusay na serbisyong ipinatutupad sa pamahalaang panlalawigan.

“This facility is a testimony of the hard work and strong commitment to furthering the goals of the government. Convention centers generate income and tax revenue. It attracts visitors, tourists and investments, which translates to new and greater opportunities for the community.” saad ni Bong Go.

Ibinalita rin niya ang kanyang panukala ng pagkakaroon ng isang one-stop shop na proyekto na naglalayong makapagbigay-tulong sa mga mamamayan sa lalawigan base sa kanilang mga pangunahing pangangailangan. Ito ay kikilalanin bilang Malasakit Center kung saan magiging kaakibat ang ilan sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD, PhilHealth, PAGCOR, PCSO at Department of Health.

Samantala, ipinaabot naman ni Gob. Suarez ang kanyang hangarin na mas mabigyan pa ng pagkakataon ang ika-apat na distrito ng lalawigan na makamit ang kaunlaran sa tulong ng Southern Quezon Convention Center.

“Ito ay magpapakita ng commitment ng pamahalaang panlalawigan na dapat lahat ay nabibigyan ng pantay-pantay na pagkakataon na umunlad ang kanilang buhay. Kung dati ang lahat ay naka-focus lamang sa sentro, ngayon kapag pinag-usapan ang Lalawigan ng Quezon, nariyan ang Catanauan, Gumaca, Lucena, Tiaong at Infanta. All of this are developing markets that was developed through the initiative of the Provincial Government through the aid of our Sangguniang Panlalawigan.” ayon kay Gob. Suarez.

Nais ring isulong ng gobernador ang pagpapatibay ng incentive package para sa mga investors. Aniya, ito ang magsisilbing daan para sa mas maraming kabuhayan at trabaho para sa mga mamamayan ng ika-apat na distrito. Kabilang na dito ang mga hotel, restaurant at souvenir shops.

Nagpasalamat rin ang ama ng lalawigan sa mga kawani at mga mamamayan na naging bahagi ng tagumpay ng Serbisyong Suarez at ng kanyang administrasyon.

Inihalintulad ni Gob. Suarez ang tagumpay na ito sa paniniwala ng pagkakapantay-pantay na pagkakataon para sa lahat na ipinaglaban ng bayani ng lalawigan na si Hermano Puli. Aniya, ito ang magsisilbing daan ng ika-apat na distrito at ng lalawigan para sa hinahangad na kaunlaran.

“Ipinaglaban niya na dapat lahat ng tao ay binibigyan ng pantay-pantay na pagkakataon. This structure is a testament to the fight of Hermano Puli. Because from this structure, we will give the 4th district the same chance to develop, the same chance to progress and the same chance to provide opportunities.” pagtatapos ng gobernador. (Quezon – PIO) 

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.