Personal na sinamahan ni Konsehal Vic Paulo ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena si Albino Doria, suspek sa pagpatay sa isang empleyado ng no...
Matatandaan na noong buwan ng setyembre ng kasalukuyang taon ay nasangkot si Doria sa isang insidente ng pamamaril kung saan ay napaslang ang kawani ng QMWD na si Reymund Oliver.
Sa panig naman ni Kon. Paulo ay sinabi nito na bilang isang halal ng bayan ay nakahanda itong tumulong sa lahat ng mga taong lumamalapit sa kanya.
Ito ang binanggit ni Konsehal Vic Paulo sa esklusibong panayam ng TV12 kamakailan.
Nakiusap umano sa kanya si Doria na kung maari ay samahan siya para kusang loob na sumuko kasama ang Abugado nito.
Nagtungo sina Konsehal Paulo at suspek na si Doria sa Branch 53 kasama si Atty. German Fabro III na siyang tumatayong abogado ng suspek kung saan ay sa nasabing korte didinggin ang nasabing kaso
Binigyan naman ng sertipiko ng katunayan ng boluntayong pagsuko si Doria sa bisa ng atas ni Judge Dennis Orendain ng Branch 53 ay inilipat ito sa custodial facility ng Lucena PNP.
Sa panayam naman ng TV12 kay Atty. Fabro ay sinabi nito na murder ang kaso na isinampa at kinakaharap ni Doria.
Ayon dito, nakadepende umano sa korte kung makakagaan o makakatulong kay Doria ang ginawang boluntaryong pagsuko nito
Nangangahulugan lamang aniya na ang ginawang pagsuko ng kanyang kliyente ay pagpapakita na wala itong intensyong magtagao sa batas at sa halip ay upang harapin ang kaso nito sa hukuman
Pagkatapos naman na matanggap ng mga ito ang sertipiko na ipinagkaloob ng korte ay agad na nagtungo sina Kon. Paulo, Atty. Fabro at ang suspek na si Doria sa himpilan ng pulisya upang iturn over ito dito. (PIO-Lucena/J.Maceda)