Dumalo si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang City Advisory Committee meeting kamakailan. Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa...
Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa conference room ng City General Services Office 2nd floor ng Lucena City Governmant Complex.
Pinangunahan ang naturang pagpupulong na ito ni OIC City Assesor Ysrael Felizco, kasama rin dito si Konsehal Atty. Sunshine Abcede Llaga ilan mga Department Heads, ilan mga kinatawan mula sa national government at iba pa.
Naging paksa sa meeting dito ay ang programa ng nasyonal na pamahalaan na Sustainable Livelihood Program.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala, ay nagpasalamat ito at naisagawa ang advisory committee meeting.
Ayon sa Alkalde, iisa naman aniya ang gustong nilang mangyari ng pamahalaan nasyonal ito ay isang programa para makatulong sa mga miyembro ng 4Ps.
Ayon pa dito ang mga nasa sektor na ito ang ilan sa dapat bigyan ng pansin at tulungan lalo na dito sa lungsod ng lucena.
Sinabi pa ni Mayor Alcala, na maganda ang mga benipisyo na tinatanggap ng mga miyembro ng 4Ps mula sa national government at maging sa local government.
Binati naman ng punong ehekutibo ang masisipag na mga miyembro ng City League at LGU League, sapagkat kanilang inaalagaan maigi ang nasa mahigit na 5,060 na aktibong benipisaryo ng 4Ps.
Nangako naman Si Mayor Dondon Alcala na aalamin pa nito kung mayroon na dapat pang resulbahin at kung ano pa umano ang puwedeng itulong ng pamahalaan panlungsod para sa nasabing sektor upang maibigay sa mga ito nararapat na Benipisyo. (PIO-Lucena/J.Maceda)