Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

City comelec, hindi kokontrolin ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato sa social media ; boosted posts, imo-monitor

Hindi kokontrolin at lilimitahan  ng city comelec ang ginagawang pre-mature campaigning sa social media ng mga kandidato para sa midterm ele...

Hindi kokontrolin at lilimitahan  ng city comelec ang ginagawang pre-mature campaigning sa social media ng mga kandidato para sa midterm elections 2019, ngunit aantabayanan nilang mabuti ang mga paid o boosted campaigns ng mga ito , ito  ang naging pahayag ng election assistant ng city comelec na si julian rodelas kamakailan.


Ayon sa election assistant, walang magagawa ang city comelec upang pigilan ang maagang pangangampanya ng mga kandidato sa iba’t-ibang social media accounts gaya ng facebook, twitter,  instagram , at iba pa. Hindi raw kasi maiiwasan na gumamit ng mga  “campaign-related posts” ang mga ito lalo na sa modernong  panahon ngayon.

Ipinaliwanag rin ni rodelas na  ang social media ay itinuturing na midyum upang magpahayag ng personal na damdamin kaya’t protektado ito ng konstitusyon. Ang mga personal na opinyon na ipopost dito ng sino man ay isang uri ng freedom of expression na ginagarantiyahan ng saligang batas hangga’t walang nilalabag na batas ang mga ito.

Malinaw rin umanong nakasaad sa isang bahagi ng  republic act no. 9369 Na wala umanong nilalabag na batas ang isang kandidato maging siya man ay nagfile na ng sertipiko ng kandidatura sakaling may gawin man itong premature campaigning.

Hindi rin aniya maaaring isama o ibawas sa campaign ad limits ng mga kandidato ang posts nila sa social media.Malaya rin ang mga netizen na ipangampanya at ishare ang mga posts ng kanilang mga napipisil na kandidato sa kani-kanilang social media accounts.


Ngunit ayon kay rodelas, sa ngayon ay pinag-aaralan na ng comelec kung papaano mare-regulate at mamomonitor ang mga boosted posts sa facebook.  Nakatitiyak itong papatawan ng karampatang limitasyon ng nasabing komisyon ang mga paid at sponsored posts.

Ibang usapan na raw kasi kapag paid posts ang ginamit ng mga kandidato tulad na lamang ng pagbabayad para dumami ang makakakita sa isang partikular na social media posts tulad ng ginagamit sa facebook.

Bilang city election assistant,nais na ipaaala ni rodelas sa mga local candidates kasama na ang mga kandidato sa pagka-kongresista na ang panahon ng kanilang kampanya ay magsisimila pa lamang sa ika-30 ng  marso  hanggang ika -11 ng mayo sa susunod na taon. (Pio lucena/c.Zapanta)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.