Sa naging panayam ng TV12 kamakailan kay City Library Head Miled Ibias, inilahad nito ang mga nakalatag na aktibidades na isasagawa ng kanil...
Ayon kay Ibias, isa sa kanilang mga programa ay ang ‘Hatid Kwento para kina Nene at Totoy’ na kung saan ay magtutungo sila sa ilang paaralan sa lungsod upang ibaba dito ang mga serbisyong kanilang ipinagkakaloob para sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga naturang paaralan ay ang Talao-Talao Child Development Center, Lucena West 1 Elementary School at Lucena East VII Elementary School na pawang may SPED program.
Kaakibat nito ay ang isa pa nilang programa na tinatawag na Handog-Aklat Project na kung saan ay mamamahagi sila ng mga children’s books at educational materials sa tatlong nabanggit na eskwelahan.
Patuloy pa rin ang pagsusulong nila ng itatayong Munting Aklatan sa Barangay Talao-talao, na ayon kay Ibeas ay inaasahang maisasakatuparan na ito sa susunod na taon.
Makakaasa naman aniya ang mga mamamayan na gagawin niya katuwang ang lahat ng bunubuo ng City Library na matupad ang kanilang layunin na makalikom ng mas maraming pang mga libro para sa mga itatayo pang reading centers sa bawat barangay sa lungsod.
Sa huli ay buong pusong nagpapasalamat si Ibias para sa patuloy na pagtulong at pagsuporta ng pamahalaang panlungsod para sa kanilang mga proyekto at programa.(PIO-Lucena/M.A.Minor)