Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CITY LIBRARY OFFICE, PINANGUNAHAN ANG IDINAOS NA REGULAR FLAG RAISING CEREMONY

Pinangunahan ng tanggapan ng City Library ang idinaos na regular na flag raising ceremony kamakailan sa Lucena City Government Complex. Sa...

Pinangunahan ng tanggapan ng City Library ang idinaos na regular na flag raising ceremony kamakailan sa Lucena City Government Complex.

Sa naging pahayag ng Officer in Charge ng City Library na si Miled Ibeas, inilahad nito ang mga programa at proyektong naisakatuparan ng kanilang ahensya para sa mga mamamayang Lucenahin.

Kabilang na dito ang Hatid-Kuwento para kina Nene at Totoy Program para sa tatlong Child Development Centers ng Barangay Silangang Mayao at Handog-Aklat Project bilang pakikiisa ng opisina sa sa 83rd National Book Week Celebration.

Nagsagawa rin ang City Library ng kanilang ikaapat na beses na Library Summer Program na kung saan ay nagkaroon ng isang seminar hinggil sa pagtatayo ng mga maaaring negosyo na dinaluhan ng iba’t ibang sektor.

Ilang serye rin ng pagdadala at pagbababa ng mga serbisyong ipinagkakaloob ng panlungsod na aklatan ang kanilang isinagawa tulad ng Booklatan sa Palengke bilang pakikiisa sa 59th Public Library Day, Booklatan sa LCGC kasabay ng ika anim na pu’t anim na anibersaryo ng ahensya at ang Booklatan sa Sanitary Landfill.

Patuloy din ang pakikiisa ng City Library sa mga aktibidades ng pamahalaang panlungsod kabilang na ang Pasayahan sa Lucena sa pamamagitan ng Live TV coverage at ang Gabi ng Parangal sa Araw ng Lucena.

Sa huli, inaasahan ang mas madami pang mga programa at proyekto para sa mamamayan ng tanggapan ng panlungsod na aklatan. (PIO-Lucena/M.A.Minor)


Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.