Asahan na mas magiging mahirap ang pagboto sa darating na midterm elctions 2019, ito ang naging pahayag ni city comelec election assistant j...
Ayon kay rodelas, sa bisa ng inisyung memorandum ng comelec sa kanilang opesina, pinagkakaaabalahan nila ngayon ang pagka-cluster ng mga botante para sa bawat polling precint sa darating na halalan.
Sinabi nito na mula sa 800 bilang ng mga botante sa kada isang polling precint noong 2016 elections, ngayong darating na may 2019, 1000 botante na ang kanilang i-aassign sa kada isang presinto.
Upang hindi masyadong matagalan sa paghahanap sa kani-kanilang mga polling precints, pinayuhan ni rodelas ang mga botante na magtungo sa kanilang tanggapan ilang araw bago ang halalan upang agad na malaman kung saang presinto naka-aasign.
Kaugnay nito, bagama’t wala pang natatanggap na memo mula sa comelec, umaasa si rodelas na maisasakatuparan ang naging pahayag ni comelec spokesperson james jimenez kamakailan hinggil sa pagkakaroon ng live scan fingerprint verification system sa lahat ng polling precints sa bansa para sa 2019 mid-term elections.
Sakali raw kasi na magkaroon nito sa bawat presinto, tiyak na magiging kombinyente hindi lang para sa mga botante maging sa mga poll watchers ang darating na halalan. Bagamat nadagdagan ang bilang ng mga botante sa isang polling precint, bukod sa mas magiging systematic ang gagawing pagboto ng mga ito,maiiwasan rin umano ang mga flying voters.
(Pio lucena/c.Zapanta)