4th district Congresswoman, Doktora Helen Tan By Nimfa L. Estrellado TAGKAWAYAN, Quezon - “Malinis, walang bahid ng anumang katiwa...
4th district Congresswoman, Doktora Helen Tan |
By Nimfa L. Estrellado
TAGKAWAYAN, Quezon - “Malinis, walang bahid ng anumang katiwalian, direkta sa tao, mabilis at tunay na pinakikinabangan ng mga mamamayan ng ika-4 na distrito ang paglilingkod, mga proyekto at programa ni Congresswoman, Doktora Helen Tan.
Ito ang buong katapatan at may pagmamalaking sinabi ni Kapitan Victoriano “Vicoy” E. Salamat, dating Chairman ng Brgy. Sabang, Tagkawayan, Quezon sa isang ekslusibong panayam dito ukol sa lady solon ng 4th district na napakasipag umikot at bumisita sa iba’t ibang barangay ng distrito para lamang tiyakin na maayos na isinasagawa ang kanyang proyekto at nakakaabot sa tao ang mga serbisyo ng kanyang tanggapan.
Ang Sangguniang Barangay naman ng Sabang Uno sa pangunguna ni Kapitan Franklin Almase, ay taos-puso at mariing pasasalamat ang ipinahayag sa maagap na pagtugon ni Congw. Tan na nagkaloob ng dalawang (2) wheelchair at brush cutter at aniya ay malaking tulong ito sa mga residente ng barangay.
Maging ang mismong mga tao, magsasaka, mga guro, estudyante, maliliit na negosyante at iba pang sektor ay labis-labis ang mga papuri at pasasalamat na ipanaaabot kay Congw. Tan na tatakbong muli sa Mayo 2019 para sa kanyang huling termino.
Kahanga-hanga ang energy at talagang tunay ang concern at compassion ni Congw. Tan para sa mga mamamayan ng kanyang distrito sapagkat walang kapaguran itong umiikot at siyang nanguna sa blessing at turnover ng mga proyektong imprastraktura na kabilang dito ang sumusunod:
1. Katimo National High School, mga classrooms at covered court.
2. Manato Central Elem. School sa Tagkawayan, 2 classrooms.
3. San Man Del Car NHS sa Brgy. Manato, mga ipinagawang silid-aralan.
4. Brgys. Villa Hermosa-San Antonio-Bayabas Lopez road concreting.
5. Senior Citizens Center, Alabat, Quezon at ang Alabat Rural Health Unit.
6. Tulay, rip rap project at birthing home sa Brgy. Pambilan Norte sa Alabat.
Kabilang naman sa mga binisita niya’y mga proyekto na on-going o sisimulan pa lamang ang sumusunod”
1. Brgy. Silang, Lopez, Quezon flood control project.
2. Ang inaprobahang budget ng DPWH para sa tulay na mag-uugnay sa Dungawan at Villahiwasayan sa Guinyangan na ayon mismo kay Congw. Tan ay approved on plenary at second reading at nakapulong niya at pinasalamatan nga ang DPWH at sina Joel Jalbuena, branch group head at Estela Remo ng DBP.
“Hindi na po tayo kailangang mangutang para maipagawa ang nasabing tulay sapagkat handang tumulong ang national government sa pakikipag-ugnayan ng aking tanggapan,” paliwanag ng masipag at magaling na, ay maganda pa ring si Cong2. Helen Tan.
3. Brgy. Peñafrancia, Lopez Brgy. Health Station.
4. Guinyangan-Tagkawayan Road, entrance at Brgy. Balinarin, Guinyangan na may 400 metrong gagawin tulay at idudugtong sa Brgy. Manato, Tagkawayan; gayunding gagawing konkreto mula Manato palabas ng Brgy. Aliji to Quirino Highway.
5. Ang ipinapagawang Brgy. Health Station at Brgy. Hall sa Aldavoc, Tagkawayan.
6. Ang ipinapagawang Brgy. Aliji Health Station at Brgy. Hall na tinutulungang maisaayos.
Nang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa kanyang last term, may bahid ng kalungkutan dahil huling termino na nga, pero masaya pa ring may tatlong (3) taon pa namang makakapagserbisyo si Congw. Helen Tan, at nagsabi na, “Ang bilis ng panahon. Last three years na lang, ang dami pang dapat gawin sa distrito, kulang ang 24/7 and last 3 years to do them, but I will do my best to finish projects that have started and introduce more high impact projects and programs. Maraming salamat sa Panginoon at sa aking mga kababayang nagtitiwala at nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapaglingkod at makapagbigay ng Serbisyong Tunat at Natural.
“Iyan ang aming kinatawan sa Kongreso, Congw. Helen Tan. She is the epitome of what the late DILG Secretart Jessie Robredo referred to as, MAHUSAY NA, MATALINO PA of a public official,” pagtatapos na pahayag ni Kapitan Vicoy E. Salamat.
Guinayangan-Tagkawayan Road entrance sa Brgy. Balinarin Guinayangan. |
Blessing turn over ng mga classrooms at covered court sa Katimo NHS. |