Kasabay ng pagdiriwang ng National Drug Prevention Month, isang aktibidad para sa mga kabataan ang isasagawa ng SK Federation sa pamumuno ng...
Ang naturang aktibidad ay tinawag na Danskool, isang kompetisyon sa pagsayaw para sa mga kabataang Lucenahin.
Sa naging panayam ng TV12 kay Nadera, sinabi nito na una nilang plano para dito ay bilang isang interschool competition pero sa pagnanais nilang makasali dito maging ang mga out of school youth sa lungsod, ay ibinukas na nila ito para sa lahat.
Dagdag pa nito, ang aktibidad ay ambag aniya ng nasabing pederasyon upang maiiwas ang mga kabataan na maligaw ng landas gayundin ay bilang suporta sa kampanya ng lokal na pamahalaan at ng kapulisan laban sa ipinagbabawal na gamot.
Inaasahan naman sa bawat performances ng mga kalahok ay makikita ang mensahe ng aktibidad na Dance is Cool, Drugs is not.
Bukod sa pagsuporta sa anti-drug abuse campaign, tuloy tuloy pa rin ang kampanya ng sangguniang kabataan para sa pagkakaroon ng malinis na komunidad sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga plastic bottles na nagsilbing registration fee ng mga grupong kalahok sa dance competition.
Ang mga plastic bottles namang ito ay magiging karagdagang materyales sa isinasagawang eco bricks mula sa mga plastics.
Sa huli ay nagbigay mensahe si Nadera sa mga mamamayang Lucenahin partikular na sa mga kabataan.
Inaasahan din aniya niya na makakasama ng SK Federation ang mga kabataan sa kanilang bawat programa at proyekrto para sa komunidad.(PIO-Lucena/M.A.Minor)