Lucena City, QUEZON: Ang panlalawigang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Quezon ay nagdaos ng “consumers forum” sa lungs...
Ang pagdaraos ng forum o talakayan ay kaugnay sa pagdiriwang ng ‘consumers month’ na naglalayon na mapataas ang kaalaman ng mga dumalo o mamimili ukol sa kanilang mga karapatan at mga responsibilidad bilang mga mamimili.
Ipinaliwanag dito ni Leila Cabreros, division chief ng Consumer Protection Division ng DTI-Quezon ang iba’t-ibang uri ng mga mamimili gayundin ang mga karapatan ng mga mamimili na dapat laging tandaan.
“Dapat tayong maging matalinong mamimili, hindi dapat magpadalos-dalos sa pamimili ng mga bagay o pagkain upang hindi masayang ang perang ginamit sa pamimili, kailangang alamin ang expiration date ng pinamiling pagkain upang hindi makasama sa ating kalusugan” sabi pa ni Cabreros.
Sa pagbili ng mga produkto, kailangan din na may kalidad ang bibilhing produkto. Ayon sa DTI, ang mga produktong dapat may Philippine Standard (PS) o Import Commodity Clearance (ICC) mark ay yaong mechanical, building at construction materials, electrical and electronic products at mga chemical and consumer products.
Makikita ang kumpletong listahan ng mga produktong sakop ng mandatory certification scheme sa www.bps.dti.gov.ph.
Naging panauhing tagapagsalita din sa forum sina Engr. Joselito C. Leynes, Regional Direcor ng National Tellecommunications Commission; Theresa DS Magno, Head, Consumer Protection Unit ng National Meat Inspection Service; Justine Marco M. Vivas, Market Specialist ng Department of Agriculture-Region-4A gayundin si Melanie N. Condes, Bank Officer II ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sangay ng Lucena City.
Kaugnay nito, patuloy na nanawagan ang panlalawigang tanggapan ng DTI sa mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon na maging matalino sa pamimili at laging tandaan ang kanilang mga karapatan at responsabilidad. (Ruel Orinday/ PIA-Quezon)