Emily Camtan Manguera by Lolitz L. Estrellado PADRE GARCIA, Batangas - Si Emily Camtan Manguera, may-ari at namamahala sa isang kompany...
Emily Camtan Manguera |
by Lolitz L. Estrellado
PADRE GARCIA, Batangas - Si Emily Camtan Manguera, may-ari at namamahala sa isang kompanyang nakatuon sa iba’t ibang secretarial services at documentation, ay pinapupurihan at pinasasalamatan ang mga taong kanyang napaglingkuran at natulungan sa kanilang mga problemang napakatagal nang nabinbin sa iba’t ibang tanggapan o ahensya ng gobyerno, partikular sa mga kaugnayan sa pag-aayos ng mga estates o ari-ariang naiwan ng kanilang mga yumaong kamag-anak.
Ang karaniwang problema ay may kaugnayan sa naturang usapin tulad ng pagbabayad ng buwis, paglilipat ng pagmamay-ari sa mga tagapagmana, bilihang lampasan, at pagpapatitulo ay inaabot na ng mula 5-10 taon o mahigit pa, ni hindi maisaayos dahil marahil sa kakapusan ng kaalaman, ngunit sa tulong ng tanggapan ni Emily Camtan Manguera Secretarial Services na nasa Brgy. Poblacion, Padre Garcia, Batangas (Branch I), Ekslusivo Compound Subdivision, Brgy. Quilib, Rosario, Batangas (Branch II) at malapit nang magbukas ng ika-3 branch office sa Ibaan, Batangas na ilulunsad na Nobyembre 17, 2018, ay siyang nagsilbing instrumento upang malutas ang naturang mga problema.
Ilan sa mga natulungan ni Emily ay nagpahatid ng kanilang pasasalamat at mensahe katulad ng mga mababanggit:
“Hi Mana!!! I just wanna thank you for your excellent service to us ( land title transfer ). I highly recommend Mana Camtan Manguera Secreatarial Services to anybody who has a problem about land. GOD BLESS YOU and your team in making all this possible.THANKSSS” Ilou Laguna,.
“This is it and it is real! Thank you Emily Camtan Manguerra Secretarial Services. Akala po namin matatapos ang taon ng d p ulit ito mare release pero ito na. Mas maaga p kysa inaasahan namin. Salamat po.” Analyn Conti Madog.
Sa kasalukuyan, pinagkakatiwalaan na si Emily ng mga tao, at hawak niya ay ang mga barangay sa Padre Garcia, Rosario, Ibaan, Taysan at San Juan dahil sa mabilis at may pusong pagseserbisyo.
Si Emily, 49 taong gulang, ngunit mukhang 39 lang, ay dating kalihim na yumaong Atty. Jose Calingasan na siyang mentor at nag-inspire sa kanya na nagpatuloy sa ganitong larangan.
Bago siya naging legal secretary nagtrabaho si Emily sa IONICS Cicuit, Inc. sa Pasong Tamo, Makati City noong 1987-1989 bilang quality assurance officer; sa Philline Corp sa Cainta, Rizal noong 1988-1993 bilang Line Supervisor; at sa PSI Technologies. Inc. noong 1994-2012 bilang Senior Supervisor.
Noong 1998 ay nag-asawa na siya at 2012 nagbitiw sa trabaho at 2014 siya nagsimula bilang consultant secretary sa Law Office ni Atty. Jose Calingasan. At dito na rin siya nagsimula ng kanyang sariling business simula noong 2014 hanggang sa kasalukuyan.
Ang kanyang asawa ay si Juan Banaag Manguera, at may anak silang nagiisa lang si Jhazmin Joi, ay katuwang ni Emily sa kanyang negosyo at ito ang kanyang Liason Officer, at ang pamangkin niyang si Agnes Camtan naman ang kanyang maganda at masipag na office secretary.
Si Emily ay nag-aral sa Home Schooling ukol sa Legal Management, under Atty. Calingasan.
Noong 1987-1991 ay nag-aral din siya ng Computer Programming sa STI College, Mandaluyong City at nagtapos ng sekondarya sa Pasig, Rizal High School noong 1983-1987.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga natulungan ni Emily:
Released Title / Tax Declaration for the month of January to September 2018 - 42
Released Title / Declaration Year - 2017 - 33
Released Title / Declaration Year - 2017 - 16
Released Title / Declaration Year - 2015 - 15
Released Title / Declaration Year - 2014 - 13