Idinaos kamakailan sa tatlong paaralan sa lungsod ang isa sa programa ng tanggapan ng panlungsod na aklatan para sa pamayanan na Hatid kwe...
Idinaos kamakailan sa tatlong paaralan sa lungsod ang
isa sa programa ng tanggapan ng panlungsod na aklatan para sa pamayanan na
Hatid kwento para kina nene at totoy.
Kabilang sa mga paaralang pinagganapan ng naturang
aktibidad ay ang Talao-talao Child Development Center, Lucena West 1 Elementary
School at Lucena East 7 Elementary School na kapwa mayroong special education
program.
Ayon kay Miled Ibias, napili nilang isagawa ang
aktibidad sa mga nabanggit na paaralan upang ilapit ang knailang mga programa sa
mga mamamayan partikular na sa kabataan
Dito ay nagsagawa ng storytelling activity ang mga
kawani ng City Library katulong ang ilang mga estudyante sa isang unibersidad
sa lungsod, habang nagsasagawa ng sign language ang isang guro sa binisitang paaralan
upang mas maging malinaw sa mga kabataan ang mensahe at nilalaman ng kwento.
Nagkaloob din ang tanggapan ng ilang mga babasahing
libro partikular na ang mga children’s books sa mga guro ng paaralan.
Ang mga naturang aklat ay magagamit ng mga ito sa
kanilang pagtuturo at paghahasa ng kaalaman ng mga kabataan.
Bukod sa layuning maging kaisa ang lahat ng Lucenahin
sa mga programa ng panlungsod na aklatan, isinagawa rin ito bilang pakikiisa sa
28th Library Information Systems Month at 84th National Book
Week Celebration.
Gayundin ay bilang patunay na patuloy ang
pagsusulong ng lokal na pamahalaan kaisa ng City Library ng mga programa at
proyekto para sa mga kabataang Lucenahin.(PIO-Lucena/M.A.Minor)