Makalipas ang isang taon matapos na maipatayo ang bagong gusali ng public market ng lungsod, lumobo ng mahigit doble ang kita ng palengke ...
Matatandaang kamakailan ay iminungkahi ni konsehal nick pedro sa sangguniang panlungsod ang pagbibigay ng pagkilala sa public market para sa malaking kontribusyon nito sa paglaki ng kita ng lokal na pamahalaan.
Mula kasi sa mahigit 8 milyong pisong kita ng public market noong taong 2012 at 2013, na bumagsak pa ng isang milyon noong 2014 at 2015, tumaas ng aabot sa 14 na milyong piso ang kita nito noong nakaraang taon na ayon kay palomar ay hindi maisasakatuparan kung wala ang tulong ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni mayor dondon alcala.
Anito,nakatulong nang malaki ang pinasimulan ng alkalde na pagpapatayo ng isang malinis, maayos at kombinyenteng bagong public market. Sa pamamagitan daw kasi nito, lalong nahihikayat ang mga mamimili at mga parokyano na magtungo sa pamilihan na nagiging dahilan ng paglakas ng kita nito.
Malaki rin umano ang naiambag ng ipinatupad na bagong market code na pinangunahan ni konsehal benny brizeulla kung saan kasabay ng pagpapatayo ng bagong public market, itinama at binago na rin ng sangguniang panlungsod ang market fees na kikokolekta sa mga maninindahan.
Nagpahayag rin ng pasasalamat si palomar sa hepe ng city treausrer’s office na si ruby aranilla. Anito,kung hindi dahil sa sipag at tiyaga ng mga kawani ng nasabing tanggapan,hindi tataas ang kanilang koleksyon.
Sa 19 na milyong pisong kita ng public market sa 3rd quarter ng taong kasalukuyan, inaasahan na malalampasan pa ng tanggapan ang kita nitong nasa halos 23 milyong piso noong nakaraang taon. (Pio lucena/c.Zapanta)