Sa pagnanais na mas malinang pa ang kakayahan at kaalaman ng mga kabataang Lucenahin, iba’t ibang programa ang isinasagawa ng tanggapan ng C...
Ayon kay Maralit, hindi lang nakasentro ang kanilang programa para sa mga kabataan, sa aspeto ng edukasyon kundi maging sa pangkalusugan at sa pasisiguro sa kaligtasan ng mga ito.
Sa kasalukuyan aniya ay mayroong mahigit sa apat na libong kabataan ang nakaenrol sa limampu’t anim na Child Development Centers sa lungsod.
Magmula nang magsimula aniya ang administrasyon ni Mayor Dondon Alcala ay napagkalooban na ang mga kabataan ng libreng pag-aaral dito
Iba’t ibang aktibidades din ang kanilang inorganisa para sa mga kabataan tulad na lang ng Nutrition Month Celebration na kung saan ay nagsagawa ng isang seminar hinggil sa Backyard Gardening sa tulong na rin ng City Agriculture’s Office, at ang
Family Unity Week Celebration na kung saan ay nagkaroon ng isang Family Fun run na kinalahukan ng nasa limang daang mga day care children at parents.
Mahigit sa dalawang daang kabataan rin na nasa pangangalaga ng mga social workers sa Reception and Action Center ang nakikibahagi sa mga spiritual enrichment activities ng ilang mga faith-based organization tulad ng bible study, holy mass, film viewing at bible tutorial.
Patuloy din ang pagsuporta nila sa kampanya hinggil sa violence against women and their children.
Ilang serye rin ng counselling, values formation at recreational activities ang kanialng ipinagkaloob sa mga kabataan partikular na sa mag naging biktima ng karahasan o pang-aabuso.
Matatandaang kamakailan lang rin ay ginawaran ang pamahalaang panlungsod ng Lucena na Seal of Child Friendly Local Governance mula sa Department of Interior and Local Government at Department of Social Welfare and Development.
Ang mga nabanggit na programa at proyekto ay patunay lamang sa mahusay na pamamahala ng tanggapan kaisa ng lokal na pamahalaan para sa mga kabataang Lucenahin. (PIO-Lucena/M.A.Minor)