Kakulangan ng budget ang itinuturong dahilan ng ilang jeepney drivers sa lungsod kung bakit magpasahanggang ngayon ay wala parin silang ...
Kakulangan ng budget ang itinuturong dahilan ng ilang jeepney drivers
sa lungsod kung bakit magpasahanggang ngayon ay wala parin silang bagong fare
matrix.
Makalipas ang halos 3 linggo matapos na ipatupad ng
land transportation franchising and regulatory board (ltfrb) ang bagong taripa
para sa taas -pamasahe sa metro manila, central luzon, at southern tagalog, isa
lamang si jessy amparo sa mga lucenahing jeepney drivers na hindi parin
magawang makapaningil ng p10 minimum na pamasahe.
Aminado naman sa bagay na ito ang presidente
ng lucena city transport
service cooperative o lctsc na si freddie bravo. Anito, bukod sa presyo ng
bagong taripa na nagkakahalaga ng p570 kung saan p520 ang kailangang bayaran ng mga
jeepney operators para sa regulatory fee at p50 naman para sa mismong fare
matrix, inirereklamo rin ng mga kasamahan niyang tsuper at operator ng mga jeepney ang napakatagal na proseso bago makakuha ng kopya ng bagong taripa sa
pamasahe.
Sa kabila
nito, sinabi ni bravo na karamihan sa halos 1000 jeepney drivers sa lungsod ay
mayroon nang bagong taripa na nakapaskil sa kani-kanilang mga ipinapasadang
jeepney.
Tiniyak rin ni bravo na bilang
presidente ng lctsc, lagi niyang pinaaalalahanan ang mga kasamahan na huwag
maningil ng p10 minimum na pamasahe hangga’t wala pang bagong taripa.(pio lucena/c.zapanta)